00:00Another golden moment para kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo
00:06na muli niyang pagdomina sa floor exercise category ng Asian Gymnastics Championships.
00:14May isa pang pinaghahandaan si Caloy para naman sa goal niya na mag-qualify sa LA Olympics.
00:21Nakatutok si JP Soriano.
00:23Muling pinatunayan ni Paris Olympics two-time gold medalist Carlos Yulo na siya pa rin ang hari ng floor exercise.
00:34Matapos niya muling makaginto sa Asian Gymnastics Championship Senior Division sa South Korea.
00:40Nanguna si Carlos matapos magtala ng 14.600 na average score sa finals.
00:46Fresh from the competition, nakapanayam ng GMA Integrated News si Carlos.
00:51Kasama si Gymnastics Association of the Philippines OGA President Cynthia Carriot.
00:56Paano mo na-maintain yung dominance sa event na to?
01:01Lalo na after a long break?
01:03Actually, wala po ako talagang in-expect sa competition na to.
01:08I just wanna test po yung sarili ko kung anong kakalabasan ng performance ko.
01:13And syempre, yung kaba po eh.
01:18Syempre, after Olympics, ibang platform po yung Olympics kesa dito.
01:25Hindi naman na-depensahan ni Caloy ang kanyang pagiging title holder sa parallel bars at vault.
01:30Bronze ang nakamit niya dito at sa individual all-around.
01:34Sa kabila niyan, wala raw siyang pangihinayang.
01:36Next time, like, bukod sa all-around, magpo-focus talaga ako sa mga landings ko sa vault po.
01:43Doon po ako nag-focus sa quality ng movement, sa quality ng skills, sa quality ng landing.
01:49I know what he's going through.
01:51So for this, that he went to make the bronze, it's fantastic.
01:57You know, it's really congratulations, Carlos.
01:59Ang nakababatang kapatid ni Carlos na si Eldreau, nanalo rin ng silver medal sa vault finals ng junior division ng Asian Gymnastics Championship.
02:09Of course, bata pa po si Eldreau, marami pa po siyang mga competition na masasalian.
02:16Marami pa po siyang may experience na magaganda and also marami pa siyang matututunan.
02:23Nakatakda namang sumabak sa women's junior division ang kanilang bunsong kapatid na si Eliza.
02:28Sunod na paghahandaan ni Carlos ang 2025 World Artistics Gymnastics Championship sa Jakarta, Indonesia sa Oktubre na qualifier para sa 2028 Los Angeles Olympics.
02:41Gusto ko talagang makapasok pa sa LA, makapag-compete pa, and ibuos lahat ng kaya ko bilang atleta.
02:52It's all God po, palagi.
02:55Hindi ko ito magagawa ng ako lang mag-isa.
02:59Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano. Nakatutok 24 oras.
Comments