Skip to playerSkip to main content
Taas-noong iwinawagayway ng mga atletang Pinoy ang watawat ng Pilipinas sa 2025 SEA Games sa Thailand. As of 7 PM, may 5 gintong medalya na ang bansa, 4 na silver, at 18 bronze.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Taas naong winawagayway ng mga atletang Pinoy, ang watawat ng Pilipinas sa 2025 SEA Games sa Thailand.
00:09As of 7pm, may limang gintong medalya na po ang bansa, apat na silver at labing walong bronze.
00:17At mula po sa Thailand, nakatutok live si Jonathan Andad.
00:21Jonathan.
00:22Yes, Vicky, katatapos lang ngayong gabi ng laban ng Gilas Pilipinas sa Men's 3x3.
00:31At bigo po silang makasampa sa podyo matapos matalo ng Malaysia sa score na 21-19.
00:38Ang Alas Pilipinas Women's Volleyball naman, natalo rin po ng koponan ng Thailand sa unay na lang laban dito sa SEA Games.
00:44Hiyawan ng mga Pinoy audience ng mapabagsak ng Filipino Jiu-Jitsu Kimberly Custodio,
00:56ang kanyang Thai contender sa 48kg weight division.
00:59Ang three-time Jiu-Jitsu World Champion na si Custodio, gintong medalya agad ang nakuha sa kanyang unang pagsali sa SEA Games.
01:06Sobrang saya ko. Grabe yung support ng mga Pilipino dito.
01:10Sobrang na-overwhelm ako na nagbunga lahat ng paghihirap namin ng coaches ko.
01:15Gold medal day nang nakuha ni Dean Rojas sa 85kg weight division nang talunin sa finals ang pambato ng Singapore.
01:22Hindi inakala ni Rojas na makakalaro siya matapos ma-injure noong nakaraang buwan.
01:27I went through a lot this year. You know, I got injured in Japan like three weeks, almost three weeks ago.
01:33So thought I wasn't gonna compete. Grateful to be here.
01:35Nakaginto rin si Paris Olympian Aaliyah Finnegan sa Women's Vault Finals ng Artistic Gymnastics.
01:42Gumawa rin ng kasaysayan ng kopuna ng Pinay swimmers nang makuha ang kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa SEA Games Women's 4x100 Meter Freestyle Relay.
01:52Gintong ambag ni na Paris Olympian Kayla Sanchez, Shandy Chua, Chloe Isleta at Heather White.
01:59I was just really excited to get in the water and swim. It was much more fun as the first race to be with the relays.
02:06I think it was such a good start. The start of day one. It's such a momentum. Especially Gian also won as a silver.
02:13Nagka-silver medal naman ang first-timer sa SEA Games, ang swimmer na si Gian Santos.
02:17I've been training for three months. So I'm glad that all the hard work is paid off.
02:21Wagiri ng ginto ang pambato ng Pinas sa MMA o Mixed Martial Arts 60-kilogram division na si Angelie Bulaong.
02:32Silver medal naman si Clarence Sarza para sa Taekwondo under 46-kilogram division.
02:37Sunod-sunod din ang nakuhang bronze medal ng team Pilipinas.
02:40Apat sa Jiu-Jitsu, isa sa Mountain Bike Cross Country Eliminator, isa sa Gymnastics at isa sa Karate.
02:46Bronze medal din ang nakuha ng Olympian at three-time SEA Games champion na si Pinoy Taekwondo Jean Kurt Barbosa.
02:53Yes, Vicky, maraming pang mga sports events na ginaganap sa mga oras na ito na sinasalihan ng team Pilipinas na posible pang makakuha ng gintong medalya ngayong gabi.
03:09Yung muna ang latest mula rito sa Bangkok, Thailand.
03:11Ako po si Jonathan Andal ng GMA Integrated News at ng POC Media. Nakatutok 24 oras.
03:17Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
03:19Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended