00:00At silipin natin ang paghahanda sa Brigada Eskwela sa Quezon City.
00:08Yan ang unang balita live ni James Agustin.
00:12James!
00:16Ivan, good morning. Maagang nagtungo dito sa Pinyahan Elementary School sa Quezon City,
00:21mga street sweeper mula sa barangay na makikiisa sa Brigada Eskwela ngayong umaga.
00:26Ayon niya doon sa nakausap natin Ivan na si Merly Obzuna ng barangay Pinyahan,
00:30nasa labing limas nilang mga street sweeper na nakaasay ngayong umaga dito sa eskwelahan.
00:35Bukod pa po yung team na nakaasay naman doon sa Flora Ilagan High School na ilang metro lamang yung layo mula dito sa lugar.
00:42Kanina nakita natin, nagsimula na sila na magwalis-walis dito sa compound nitong eskwelahan.
00:46Mamayang alas 7 ng umaga naman, magkakaroon po ng parada yung mga magulang, ilang estudyante at mga guru
00:52na hudyat ng pagsisimula ng Brigada Eskwela.
00:55Susundan po yan ang maiksing programa dito sa covered court ng eskwela na tulong-tulong sila sa paglilinis sa mga silid-aralan,
01:01pagkukumpuni doon sa mga dapat ayusin at magre-repaint din sa mga armchair.
01:06Samantala Ivan, ngayong umaga nakita natin may mang ilang-ilang na ng mga guru at mga mag-aaral na nagtungo dito sa Pinyan Elementary School.
01:14Bagamat hindi pa naman ganun karami dahil alas 7 pang magkisimula yung program at inaayos muna nila yung mga gagamitin doon sa covered court.
01:21At mamayang alas 7 ng umaga, ang tabihan na po natin yung pagsisimula ng Brigada Eskwela dito sa Quezon City.
01:27Yan ang unang balita. Ako po si James Agustin para sa GMA Integrated News.
01:31Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments