00:00State of the Nation
00:30State of the Nation
01:00Bumuhus din ang malakas na ulan sa Pahasay City at sa bahagi ng EDSA sa Boni Avenue
01:05Sa Mindanao, mataas naman ang baha sa Lamitan City sa Basilan, gayon din sa Cotabato
01:11Ayon sa pag-asa, nakakapekto sa Mindanao ang trough o extension ng isang low-pressure area
01:17Namataan din ang LPA sa layong 1,065 km silangan ng northeastern Mindanao
01:23Pusible itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa loob ng 24 oras
01:29Pababa ang tsansa nitong maging bagyo sa mga susunod na oras
01:33Ang pagulang naranasan naman sa Metro Manila ay bunsod ng localized thunderstorms
01:38Matapos ipasa ng kamera ang 200 pesos na dagdag sa minimum wage
01:44Nagbabalang ilang business groups sa posibleng epekto nito
01:48Lalo na sa mga maliliit na negosyo
01:50Sabi ng Malacanang, titimangin ang Pangulo ang posibleng epekto sa ekonomiya
01:54ng panukalang wage hike
01:56May report si JP Soriano
01:58Pag-asa ang hatid ng paglusot sa kamera ng House Bill 11376
02:06o panukalang 200 pesos daily wage increase para sa mga minimum wage earner
02:10sa pribadong sektor para kina Jerry at Ivan
02:14Parehong nagtatrabaho pero nagigipit pa rin sa budget
02:18Sana matuloy na para at least kahit pa pano malaking bagay sa amin yung magagawa
02:23Anything na additional is good para sa mga katulad namin
02:27Mas mataas ang naipasang panukala ng kamera
02:31kumpara sa naunang naaprubahan ng Senado na 100 pesos wage hike
02:35Kailangang pag-isahin ang versyon ng kamera at senado sa Bicameral Conference Committee
02:40Pero mas mabilis kung i-adapt na lang ng isa ang kabilang panukala
02:45para diretsyong mapalagdaan kay Pangulong Bongbong Marcos
02:48May alilangan dito si Sen. Joel Villanueva
02:51ang chairman ng Sen. Committee on Labor, Employment and Human Resource Development
02:55Parang ang tingin natin, pag nangyari yan, diretsyong veto
02:59So yun yung kailangan din nating pagtuunan ng pansin
03:04kung i-adapt natin yan
03:05For us, we still believe na yung 100 is most convenient and practical
03:12Ang Malacanang, titignan daw muna kung ano ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa
03:18Nais po ng Pangulo na maibigay kung ano po ang makakabuti sa mga manggagawang Pilipino
03:25Titignan ng lahat ng aspeto at ang concerns ng lahat ng stakeholders
03:30Nag-aalala rin ang ilang business groups tulad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry
03:35o PCCI
03:36Anila ang wage hike ay magdudulot ng mas mataas na labor cost
03:41na magre-resulta ng pagtaas ng presyo at inflation
03:44Ganyan din ang tingin ng Makati Business Club
03:47bagamat di raw sila tutol sa omento sa sahod
03:50Naniniwala silang ang regional wage boards ang dapat tumalakay tungkol dito
03:54Sabi ng Employers' Confederation of the Philippines
03:57ang mga maliliit na negosyo na may sampu at mas kaunti pang manggagawa
04:01ang pinaka maapektuhan
04:04E yung micro
04:06E kumisa pa sweldo lang linggo-linggo, umanti, paayakan pa
04:10Sa kahit sa tukayan
04:12Nung Christmas magbibigay ng mandatory bonus
04:16Marami na may problema, hindi makapagbigay
04:19Tataasan mo ng ganun kalaki
04:21Ngayon pa lang, nag-iisip na ng paraan ang maliliit na negosyante
04:25Wala na tayo magagawa, pipilitin natin magdagdag tayo ng sales
04:32Kung hindi, magkuha tayo ng ibang items
04:36Para naman sa National Wage Coalition na binubuo ng ilang labor groups, makasaysayan ang paglusot ng panukala
04:43Sa kalikasing mais sa batas, ito ang unang legislated wage increase sa loob ng 36 na taon
04:50Ayon sa datos ng National Wages and Productivity Commission na kinalap ng GMA Integrated News Research
04:56Ito rin ang magiging pinakamalaking dagdag sahod sa nakaraang anim na administrasyon
05:02JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News
05:06Lima ang nasawi, kabilang ang isang sanggol sa sunog sa Pasig City
05:11Sasaranggani naman, kailangan ng kumuha ng tubig sa dagat para maapula ang apoy
05:16May report si Bamalegre
05:18Grabe, sunog sa lagpan guys o
05:22Mabilis na kumanat ang apoy sa bahaging ito ng barangay poblasyon
05:27Sa Glansaranggani kaninang madaling araw
05:29Kanya-kanyang salban ang gamit ang mga residente
05:31Ang ilan kumuha ng tubig mula sa dagat para maisaboy sa apoy
05:35Nasa tatlong oras bago ito naapula
05:37Sa tala ng MDRRMO, umabot sa 46 na bahay ang natupok
05:41Electrical Short Circuit ang tinitingnang sanhi ng apoy
05:44Nagliwanag ang residential area na ito sa Mendoza Street, barangay Buting sa Pasig
05:50Dahil sa sunog, sumiklab yan bago mag alas 11 kagabi
05:54At mabilis naman naapula bago maghating gabi
05:56Pero lima ang nasahuy sa trahedya, kamilang ang isang ina
05:59Anak niyang 11 years old at isang taong gulang na sanggol
06:02Patay rin ang mag-ama nilang kapitbahay na nagtago umano sa CR
06:06Itinawagan lang pa ako ng anak po
06:08Sabi niya, mama hindi ko makita
06:11Wala si papa, wala si JC
06:13Sa tala ng barangay, labing isang pamilya ang apektado
06:17At ngayon nananatili sa evacuation center
06:19Patuloy ang imbestigasyon sa sanhinang apoy at halaga ng pinsala
06:22Nagbabaan ng ilang residente na masunog ang isang bahay sa Buracay Islands sa Aklan
06:29Gawa sa mixed materials ang bahay
06:31Iniimbestigahan ng BFP ang mitya ng sunog
06:34Bamalegre nagbabalita para sa GMA Integrating News
06:37Maaksyon ng pag-aresto sa lalaking tumangay sa isang motorsiklo sa Kaloocan
06:45Sa Negros Occidental, speaker naman ng simbahan ang tinarget ng Kawatan
06:50Yan ang spot report ni Danu Tingkungko
06:52Sa kuha ng CCTV, maikita ang pagtangay ng lalaki sa isang motorsiklo sa Kaloocan City
07:00Ang may-ari ng sasakyan, agad na nakahingi ng tulong sa mga polis sa paligid
07:05Pula-pula sir na motor, TMX
07:07Umangkas siya at hinabol nilang tumangay sa motorsiklo
07:11Buti na lang agad na itimbre ang motor na pero sa mga polis sa checkpoint sa monumento at naharang siya
07:21Wala pa pong 3 minutes, nauli na po na nila ang nag-carnapp ng motor na ginagamit ko
07:26Naharap sa reklamang paglabag sa anti-carnapping law ang suspect
07:30Kaswal lang na naglakad at pumasok ang lalaking yan sa kumbento ng Our Lady of Guadalupe Parish sa Negros Occidental
07:44Maya-maya, bit-bit na niya palabas ang isang speaker
07:47Ayon sa parish priest, sinalisihan sila habang nagluluto sila sa kusina
07:52Patuloy na pinagahanap ang lalaki
07:54Danu Tingkungko nagbabalita para sa GMA Integrated News
08:00Dating Negros Oriental Representative Arnie Tevez
08:07Binasahan ng sakdal pero nag-invoke ng right to remain silent
08:11Kaya iniutos ng huwes na ipasok ang not guilty plea para sa kanya
08:15Para sa mga kaso ang illegal possession of explosives at firearms and ammunition
08:21Sa July 29, nasa ang sisimulan ang pagliliti sa kanyang mga kaso
08:26Karamihan sa mga naitalang kaso ng MPOX sa isang hospital sa Davao City
08:33Nag-positibo rin sa Human Immuno Deficiency Virus o HIV
08:38Pito ang kumpirmado ang MPOX cases doon
08:41Cut-off age para sa mga papasok ng kindergarten ngayong school year 2025-2026
08:50Mas pinalawak kung dati pinapayagan lang mag-kinder ang mga batang limang taong gulang bago o pagsapit ng June 1
08:58Ngayon, ang mga batang maglilimang taong gulang sa o bago ang October 31 ay maaari ng mag-kinder
09:06Kwalifikado na rin ang mga batang 5 years old na sa pagitan ng November 1 at December 31
09:13Kung sila ay nakapagtapos ng Early Child Development Program o ECD
09:19O di kayo pumasa sa ECD checklists na ay sinasagawa sa panahon ng enrollment at sa unang linggo ng klase
09:27Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News
09:31Swak para sa mga nahihilig sa hiking ang mountain adventure sa Kayapan, Nueva Vizcaya
09:42Ang inyong aakyatin hindi lang isa o dalawa kundi tatlong bundok sa loob ng isang araw
09:47G tayo dyan kasama si Ian Cruz
09:50Ain't no mountain high enough na ba ang feels sa dami ng naakyat mong bundok?
10:00Pwes, ito ang bagong hiking challenge na dapat niyong subukan
10:04Kakasaka ba sa tinaguri ang Kayapa Trilogy sa Nueva Vizcaya?
10:11Ang aakyatin, di lang isa kundi tatlong bundok
10:15Ang Mount2Go, Mount Cabo at Mount Kabuan
10:19Game na sinubukan yan ng hike organizer na si Ryan Manalo Delgado
10:25Yung bundok na ito is minasabi nila na good for beginner
10:30Pero sa experience ko kasi as a mountaineer, hindi siya ganwing kadaling akaten
10:36Dahil ayun nga tatlo yung bundok na ating dito
10:41Aabutin daw ng dalawa hanggang tatlong oras ang pagakyat sa bawat bundok
10:46Mag-umpis ang hike sa Mount2Go na siyang pinakamadali raw sa tatlong bundok
10:52Chill pa rin naman daw paakyat ng Mount Cabo
10:55Pero pagdating sa Mount Cabuan, talagang masusubukan daw ang iyong tapang at hiking skills
11:03On top of the world ang feels sa ganda ng 360 degree view ng Nueva Vizcaya
11:10Sobrang hindi pa siya ganun sa crowded, sobrang underrated for me
11:15Dahil pagdating mo dun sa taas, hindi mo i-expect na ganun kaganda yung bundok na yun
11:23Ian Trus, nagbabalita para sa GMA Integrated News
11:27PBB housemate at inaguri ang nation's son na si Will Ashley
11:36Featured sa International Billboards sa Seoul, South Korea
11:40Panalo kasi siya sa 154th Billboard Support Target sa voting app na Idolpick
11:46Billboard worthy naman kaya ang sketches ng Denjen?
11:52Makapalang kilay ah, sobrang taong sa ilong, manipis lang yung lips
11:56Si Dennis Trillo, focused sa challenge na police sketch
12:02Habang si Jeneline
12:03Medyo pa-oval yung shape ng ano niya
12:07Oval yung tenga?
12:08Hindi, yung overall ano niya, face niya
12:10Kinakarir ang drawing
12:12At ang resulta, kayo na ang humusga
12:18Keeping it private but not a secret ang family portrait ni Kapuso Tom Rodriguez
12:23Kung saan nakatalikod at hindi makikita ang muka ng kanyang partner at kanilang baby boy na si Corbin
12:31Anya, some treasures in life are too sacred to put on full display
12:35This isn't about hiding, it's about holding
12:39Usap-usapang naghiwalay na ang Hollywood couple na si Dakota Johnson at Chris Martin
12:47Matagal nang engage ang Fifty Shades of Grey star at Coldplay vocalist
12:52Pero on and off ang kanilang eight-year relationship
12:55Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News
13:00Nakasakay pa sa pinapasada niyang tricycle ang driver na yan
13:09Nang paulanan siya ng suntok
13:11Nang kapwa tricycle driver sa Lapu-Lapu City, Cebu
13:14Kuha yan ang isa sa kanyang mga pasahero
13:17Ang isa sa mga sakay
13:19Nahirapan pang huminga sa gitna ng bugbugan
13:22Ayon sa uploader na pasahero bago ang insidente
13:25Pinakyaw o nirentahan nila ang tricycle
13:28Pinayagan din nila ang driver na kumuha ng iba pang pasahero sa daan
13:31Pero bigla na lang daw silang hinarap ng grupo ng tricycle drivers
13:36Nang makitang nagsakay pa ang driver nila
13:38Nakayusap na lang ang driver nila sa bagong sakay na pasahero
13:42Na lumipat sa isa sa mga humarang na driver
13:45Pero ayaw rao ng pasahero na lumipat
13:48Nagkaareglo na na sa barangay ang mga sangkot
13:50At nangako ang tatlong tricycle driver
13:53Na babayara nila ang gasto sa pagpapagamot ng biktima
13:56Puppy gang o salo-salo para sa mga alagang aso
14:07Pinusuan ng netizens
14:09Katasya ng bonus ng kanilang fur dad
14:11Boodle fight sa dahon ng saging ang handog ni Jonathan Del Rosario
14:16Sa kanyang mga alaga
14:17Kwento ng uploader na anak ni Jonathan
14:20Di pa man dumarating ang mid-year bonus ng kanyang ama
14:23Nangako na itong magpapakain ng paboritong litsyon manok sa kanyang fur babies
14:29At nang matanggap ang pera, bumili pa siya ng cake, pandagdag treats
14:34Natuwa ang netizens sa ginawa ni Jonathan na noong unay
14:37Nagdalawang isip parao mag-alaga ng aso
14:40Pero kalaunan, napamahal na siya sa mga ito
14:43At itinuturing niya ito ngayong part of the family
14:47Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon
14:52At para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan
14:55Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News
14:58Ang News Authority ng Pilipino
15:01Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman
15:04Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
15:08Outro