00:00Umaabot sa 57 kaso kada araw ang average case ng Human Immunodeficiency Virus o HIV
00:06batay sa datos ng DOH Epidemiology Bureau at pwede pa umano itong tumaas.
00:12Ayon sa DOH, nasa 15-25 years old ang majority age group na may HIV sa bansa.
00:19Concentrated ang mga kaso sa highly urbanized area,
00:23kamilang na ang National Capital Region, Calabar Zone, Region 6, 7 at 11,
00:28Isa sa nakikitang suliranin ng Philippine National AIDS Council ay ang mababang kaalaman tungkol sa HIV at AIDS.
00:37Ayon sa PNAC, kailangan ng tamang kaalaman sa HIV lalo na sa mga kabataan para proteksyonahan ang kanilang sarili.
00:45Nagsasagawa na rin ang information campaign ang mga LGU, CSC at DepEd.
00:51Sinasanay din ng DepEd ng mga guro at counselor para maipasa rin ang kaalaman sa mga magulang.
00:57Sa pamamagitan nito, bababa ang stigma sa HIV patients.
01:03All over the Philippines, meron po tayong 266 na treatment facility.
01:11Nagbibigay po ito ng libre testing.
01:13Basta libre testing, libre gamot.
01:16Nakasaad po sa batas na libre po ang gamot sa HIV.
01:21At pagdating naman po, sinisigurado natin sa ating mga kababayan na ang pagpapatingin nila or pagpapatest ay mananatiling confidential.
01:31Yan po ay nasa batas din.
01:33At kung sakasakaling mabreak ang confidentiality na yun, meron po yung karampatang parusa sa batas.
01:39Kaya makakasa po kayo na syempre, iingatan ng ating mga health workers ang confidentiality ng kanilang pagpapatest.