Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kaugnay naman ang benefit packages na alok ng PhilHealth para sa makakagat ng hayop.
00:05Kausapin po natin si PhilHealth Senior Vice President for Health Finance Policy Sector at Spokesperson Dr. Israel Francis Pargas.
00:13Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:16Magandang umaga po niya and magandang umaga po sa lahat ng ating taga-subaybay.
00:20Ano po ang magagawa ng PhilHealth sa pakiusap ng ilang senador na taasa naman ang package para sa anti-rabies vaccination
00:26sa gitna po ng dumaraming rabies cases?
00:30Well actually Connie, kung matatandaan po natin, ang original package natin sa animal bite package ay 3,000.
00:37However, kung matatandaan din natin, dalawang beses na po tayo nag-increase from 30% noong 2024 and another 50% noong 2025.
00:48So ngayon po ang coverage na natin sa animal bite package is 5,850.
00:53But with the request of some senators, we will again take a look into that, provide some costing and we will see if we can still increase the package.
01:05But as it is, it has already been increased twice.
01:08Opo, pero malayo pa rin kasi doon sa presyo po kapag ikaw ho ay magpapa-anti-rabies vaccine.
01:14So hopefully, maaral po ninyo para makadagdag din ho ng tulong yan.
01:18Pero ito lang ho, sino-sino ba ang kwalifikado at magkano yung pupwede pong maka-avail ng animal bite package ng PhilHealth?
01:25Kasia ho ba yung, sabi kasi talagang hindi daw kasia yung rabies benefit package, no?
01:31Para makumpleto yung bakuna.
01:34Yes, Ms. Connie, actually, I think ang naging example noon sa discussion is for coming from a private hospital.
01:42Pero syempre, in the government setting, kasia na po yung ating 5,850.
01:50Now, sino po yung lahat ng pwede or qualified to get this?
01:53Um, anyone po, kasi alam naman natin under universal healthcare, lahat ng Pilipino ay miembro na.
02:00So anyone po na nagkaroon ng animal bite, especially ng mga aso at pusa, ay pwede po na magkaroon or makakuha ng beneficyo na ito.
02:11But again, as long as doon po ito madadala sa ating mga accredited facilities na mga hospital po and animal bite treatment centers.
02:20So far, nationwide, we have more than 800 animal bite treatment centers po.
02:26Alright. Pero ang rekomendasyon ho ng DOH, di ba sabi nga, ay deklara na yung HIV, na National Public Health Emergency, dahil 500% ang itinaas po nito.
02:37Ano ho ang magiging effect niyan kung meron man sa HIV treatment package naman ng PhilHealth?
02:42Well, Connie, ang ating OHAT or yung outpatient HIV treatment package, dati, ang ating beneficyo diyan is 30,000.
02:51But because we have increased 30 and 50%, ngayon po ang coverage na natin is less than 57,000 pesos na.
02:59And that coverage is for a year, quarterly po natin yan, na ibinibigay o ibinabayad sa ating accredited facility to support the diagnosis and treatment of an HIV patient.
03:12So napakalaking tulong na po nito ngayon para sa mga ating aalagaan na mga kababayan na merong sakit na HIV.
03:21Tag-ulan na rin ho, ano naman ho, aasahan ng mga PhilHealth members kung sakaling magkadingge, huwag naman, sana.
03:28Huwag naman nga, sana.
03:30But we also have increased our dengue package, especially po yung ating severe dengue or hemorrhagic fever dengue.
03:40Hemorrhagic dengue.
03:42Dati po ang ating mild dengue ay 10,000.
03:47Ngayon po siya ay umaabot na ng 18,000.
03:50At kung ito po ay severe dengue na dati po is 16,000, ngayon po ang ating coverage is 47,000 pesos na.
04:00Ang another type of sakit po na kalimitan tuwing tag-ulan ay yung pong dulot sa pagbabaha, yung pong leptospirosis.
04:09Dati po ang ating package para dyan is 13,000.
04:13Ngayon po na-increase na natin siya to around 21,000 pesos.
04:17Maraming pong salamat sa iyong update sa amin ngayon po nga araw na ito sa Balitanghali.
04:24Thank you. Maraming salamat din po, Ms. Connie.
04:26Ang magandang tanghali sa ating lahat.
04:28Yan po naman si PhilHealth spokesperson, Dr. Israel Francis Pargas.
04:31.

Recommended