Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Talakayin pa natin ang mga issues sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:04Makapanayin po natin si Constitutional Law Assistant Professor Paulo Tamase mula sa UP College of Law.
00:10Magandang umaga po.
00:13Magandang umaga, Igan, at sa inyong mga taga-panood.
00:15Unang tanong po, pwede nga ba ang de facto dismissal ng isang impeachment case
00:20sa pamagitan lang ng isang Senate resolution at wala ng paglilitis?
00:25Sa palagay ko ay maaaring ilabag nito ang saligang batas.
00:30Malinaw kasi sa teksto ng Article 11 ng ating saligang batas
00:34na ang kapangyarihan ng Senado ay to try and decide.
00:39Ibig sabihin kung kailangan niya magkaroon ng isang proseso upang tingnan ng ebidensya
00:44na nalaban dito kay Vice President Duterte at gumawa ng desisyon kung siya nga ba ay guilty or not guilty.
00:51Opo. Pero himayin pa natin Professor Tamase.
00:54Halimbawa na ifile nga po yung resolution next week o sa mga susunod pang linggo
00:58nagbotohan sa Senado na nalo yung majority umabor sa naturang resolusyon.
01:05Ibig ba sabihin nito, kaya nang patayin ang resolution ng isang impeachment case?
01:10Ultimo ang mangyayari dyan ay kasi Igan, nasa open waters tayo.
01:14Hindi natin alam kung anong nangyayari sa ganitong sitwasyon.
01:17Sa palagay ko, bilang resolusyon ng Senado ay makakaroon ito ng isang legal effect.
01:23Maaaring nga talagang madismiss yung kaso laban kay Vice President Duterte.
01:28Ngunit, hindi ibig sabihin nun na mamamatay na yung impeachment.
01:32Maaaring tratuhin ng 20th Congress, ng Senado ng 20th Congress na buhay pa rin yung impeachment.
01:39Bate sa composition nila.
01:41Maaaring din naman na may maghain ng reklamo sa Supreme Court upang ipagutos ang pagpapatuloy ng impeachment.
01:48So, nahirap mag-speculate at this point.
01:52Pero sa mga umiiral bang mga batas at kung meron mang desisyon sa Supreme Court,
01:57pwede bang maitawid mula 19th Congress papuntang 20th Congress yung impeachment trial?
02:06Sabi kasi nila, lahat daw ng trabaho ng Kongreso sa 19th Congress,
02:10eh napuputol na po pagkatapos ng kanilang mandato.
02:14No, totoo yun, no? Mayroon talagang mga kaso na nagsasabi na kapag natatapos na ang termino ng Kongreso,
02:22ay napuputol ang kanilang mga trabaho sa nakaraang Kongreso.
02:26Kung mayroong bill noong 19th Congress, hindi siya pwede tumawid sa 20th.
02:30Okay, kailangan ipanukala siya muli.
02:32Ngunit, yung mga desisyon na iyon ng Supreme Court ay malinaw din, no?
02:36Na they pertain sa mga investigation work, halimbawa ng Senado,
02:42o sa mga trabaho niya bilang isang leheslatibong kawanin ng gobyerno.
02:47Hindi ito nag-a-apply sa impeachment.
02:50Ang impeachment ay isang mahalaga at espesyal na trabaho ng Senado.
02:56At pag titignan natin yung kasaysayan natin at ang practice ng Senado,
03:00tuwing impeachment court sila, parang umaakit sila sa iba pang antas sa gobyerno.
03:07At palagi ko hindi nag-a-apply itong mga desisyon na ito ng Supreme Court.
03:10Apo.
03:11Professor Tamase, posibleng bang may nalabag si Senador Bato de la Rosa
03:16dahil siya huwag magiging judge,
03:19pero itong resolution as a senator, e nais niya ipatigil itong paglilitis?
03:24So, dalawang bagay iga, no?
03:25Sa una, palagay ko karapatan naman ni Senador de la Rosa.
03:29So, kung gusto niya talaga maghahin ang resolusyon,
03:31bilang prerogative na yun, bilang Senador.
03:34Ngunit, bilang Senador, manunumpa din siya sa pagiging politically neutral
03:40pag nagsimula na yung impeachment.
03:42Tama po, apo.
03:43Kung nilabag niya iyon, ay isang question na naaayon sa Senado.
03:47Hindi siya para sa atin na magdesisyon.
03:49Dahil sila lamang ang may kapangyarihan upang sabihin kung ang kanila mga kapwa kasapi
03:54ay nilabag ang kanila mga patakaran.
03:57Sabi po ni Congresswoman Laila Dali,
03:59maposibling nalabag ni Sen. President Chisa Scudero ang konstitusyon
04:03dahil sa delay, dun sa tinatawag na fourth weed clause.
04:07So, ito bang nangyayari ngayon na halos mag-tatlo o apat na buwan na,
04:13hindi ito yung fourth weed, Professor?
04:14Sa palagay ko, noong nagkaroon kami ng forum nito sa UP noong Pebrero,
04:20medyo hati kong mga panelists namin, yung mga eksperto na aming inimbita.
04:24Sa palagay nila, pwede naman talagang hindi ituloy kaagad ng Senado
04:27dahil meron nga silang recess.
04:29Ngunit lahat sila ay sumasang-ayon na kapag nag-resume na ang sesyon ng Senado,
04:34ngayong Hunyo ay tungkulin ang Senado na ipagpatuloy.
04:36Hindi pa ako prepared na umabot sa sinabi ni Sen. Delima
04:41na nilabag ni Sen. Escudero ang saligang batas.
04:45May ilang araw pa ang sesyon.
04:47Ngunit, kung titignan natin yung practice na naman ng Senado
04:51noong mga nakarang impeachment, mabilisan sila gumanaw.
04:54So, noong impeachment ni Chief Justice Corona, December 12,
04:57na ipasa yung Articles of Impeachment mula sa House,
05:00December 14, nagsimula na ang trial
05:02at hindi apat na buwan ang inintay bago ito magsimula.
05:06Apo. So, Profesor, sa kabila ng mga argumento, debate at iba-iba interpretasyon,
05:11buhay pa ho ang impeachment case laban kay BP Sara Duterte?
05:15Sa palagi ko, buhay pa siya, mahalaga para sa mamamayan.
05:18At hindi ito, kung supporter ka ni Vice President Duterte
05:22o hindi ka niya supporter, mahalaga sa mamamayan na bantayan itong impeachment.
05:27Kasi sa kasaysayan natin, isa itong natatanging pagkakataon
05:31upang pag-usapan ng malaliman at mabuti kung ano yung talaga
05:35yung mahalaga sa ating pamahalaan, good governance, accountability.
05:40At hindi yata akma sa purpose ng impeachment,
05:44ang kanyang pag-dismiss na wala man lang narinig na isa pang testigo
05:48o nakikitang isang ebidensya.
05:51So, mahalaga para sa atin na bantayan ito
05:53at mag-demand na magsimula na actually yung impeachment.
05:56Maraming salamat, Assistant Professor Paulo Tamase
06:00mula sa UP College of Law.
06:01Ingat po.
06:02Maraming salamat.
06:04Igan, mauna ka sa mga balita.
06:06Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
06:09para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
06:12Maraming salamat.
06:23You