00:00Kukwestiyonin ang kampo ni Vice President Sara Duterte kung pwedeng tumawid ng 20th Congress ang impeachment trial laban sa kanya.
00:08May mga naging hakabang anya sa paghahay na impeachment na labag sa konstitusyon. Nakatutok si Ian Cruz.
00:16Kay Vice President Sara Duterte na mismo nang galing, pinag-aaralan na ng kanyang mga abogado ang pagkwestiyon kung pwede bang ipagpatuloy sa 20th Congress
00:26ang kanyang impeachment trial na nagsimula sa 19th Congress.
00:30Kina-question din namin yan, iyong pag-crossover from the 19th to the 20th Congress.
00:38Sinabi yan ang Vice Presidente sa pagharap niya sa mga taga-suporta sa The Hague, Netherlands,
00:43kung saan nakadetain ngayon ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na naharap sa reklamang Crimes Against Humanity sa International Criminal Court
00:51pero nang usisain siya sa detalya ng kanilang strategiya.
00:54Yung lawyers ko na lang magsalita ma'am kasi papagalitan na naman ako nila.
01:00Papagalitan na naman ako noon ma'am yung mga lawyers ko so tanong natin yung lawyers.
01:05Sabi pa ng Vice.
01:07Ang pagkakaintindi ko ay madaming procedural lapses na nangyari na labag sa konstitusyon.
01:15Nasa The Hague si VP Sara dahil na ipangako niya sama na babalik sila ng inaroon para magdiwang ng kanyang kaarawan.
01:22Nagpapasalamat din daw sila sa ICC dahil napagbigyan ang hiling nila na madagdagan ang araw ng pagdalaw sa dating Pangulo.
01:30Inapprove nila yung request namin na madagdagan sana yung mga araw na pwedeng magbisita kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:38So papasalamat kami doon.
01:40Tinanong din ang Vice sa reaksyon niya sa pagkakatalaga kay General Nicolás Torre III bilang bagong PNP chief.
01:47Matatandaan si Torre ang nanguna sa pag-aresto sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pastor Apolo Quiboloy ng KOJC.
01:54So bakit mo naman gagawing chief of police? So masyadong sketchy yung decision.
02:01Sinusubukan pa namin kunin ang panig ni Torre.
02:04Ngayong araw ay nasa ang magbabalik Pilipinas ang vice.
02:07Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz Nakatutok, 24 Horas.
Comments