00:00Samantala, target tapusin ang pamahalaan ngayong taon ng mga construction at pagsasayos ng iba pang military facility sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
00:09Yan ang ulat ni Patrick De Jesus live. Patrick?
00:15Audrey, patuloy yung ginagawang development sa pamahalaan dito sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
00:21At karamihan sa mga pasilidad ay target na matapos ngayong taon.
00:26Tapos na ang konstruksyon at extension ng runway sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
00:34Kaya naman mas madali na ang paglapag na mga cargo plane ng Philippine Air Force gaya ng C-130 at C-295.
00:42We'd like to really look at the future of Pag-asa Island and hopefully, baka in the near future, this can also be a tourist spot.
00:51So, itong ating runway can also be used for civilian aircrafts na rin soon.
00:57Makukumpleto na rin ang itinayong hangar sa Pag-asa Island, pati na ang control tower para sa air operations ng isla.
01:04Target na tapusin ang iba pang military facility ngayong taon sa ilalim ng AFP Modernization Program Re-Horizon 3.
01:11Ito'y sa kabila ng iligal na pananatili ng mga parko ng China sa paligid ng Pag-asa Island, kabilang ang Chinese Maritime Militia, mga parko ng China Coast Guard, pati na ang kanilang warship.
01:23Tuloy-tuloy pa rin yung mga programa natin, not just for the armed forces of the Philippines but for the whole island.
01:29So, ang tinitingnan natin dito are multi-role facilities, not just for the defense but also yung HADR natin doon and of course, panggamit na rin sa ating communities.
01:38Sakay naman ang C-130 plane, isa a PTV News sa mga miyembro ng media na kasama sa maritime patrol ng AFP.
01:46Inikot sa marpat, ang mga okupadong features ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group.
01:51Bahagi ito ng pag-iit sa karapatan at soberanin ng bansa sa West Philippine Sea.
01:56As we have been showing for the past few years, itong ating transparency initiative and ito is a very good example of that na makita nalaga natin itong situation in the area.
02:08Audrey, bago nga makarating dito sa Pag-asa Island, ay isang beses na nakatanggap ng radio challenge mula sa China, yung C-130 plane na ating sinasakyan.
02:18Sinagot ito ng mga piloto ng PAF at iginit nga yung ating soberanya sa West Philippine Sea.
02:24At hindi naman nakaantala yung radio challenge para makarating tayo dito sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
02:31Audrey!
02:32Maraming salamat, Patrick De Jesus!