00:00Mahabang pila, matinding init at pagod ang dinanas ng ilang OFW na nag-aasikaso ng kanila mga dokumento sa tanggapan ng Department of Migrant Workers sa Mandaluyong.
00:11In business, sa main entrance at lobby, pinadaan ang mga OFW sa madilim na parking lot.
00:17Ang napakahabang pila, umabot hanggang sa labas ng gusali.
00:21Sabi ng ilang naroon, kaya raw ganun dahil may programa ang DMW bilang pagdiriwang sa ikataglumpong anibersaryo ng pagsasabatas ng Migrant Workers and Overseas Filipinos Act.
00:35Kinilala rin sa naturang seremonya ang sakripisyo ng mga Pinoy abroad.
00:39Paliwanag naman ni DMW Undersecretary Bernard Olalia, saglit lang ang naging programa.
00:45Patuloy raw nilang binibigyan ng mabilis na serbisyo ang mga OFW at pinoprotektahan ang kanilang mga interes at karapatan.