00:00Good news naman para sa lahat ng nangangailangan ng gamot.
00:02Simula po sa Hunyo, tatanggap na ang isang kilalang drugstore
00:06ng guarantee letter mula sa AICS at AKAP ng Department of Social Welfare and Development.
00:11Bahagi po ito ng inisiyatibo ng kagawarang pababain ang gastos pagdating sa pagpapagamot.
00:17Ang detalya sa report ni PN Manalo.
00:22Pitong taon ng umiinom ng kanyang maintenance medicine para sa high blood
00:26ang senior citizen na si Nanay Rosa.
00:28Umiinom siya ng amlodipina na sinasabayan ng paracetamol araw-arawa.
00:34Pumapatak ang gastos niya 20 pesos kada araw o mahigit 600 piso sa isang buwan.
00:40Kaya malaki-ani ang kabawasan sa gastusin ang guarantee letter mula sa Department of Social Welfare and Development.
00:47Pinapababawasan yung budget namin sa pagkain kung makakagarantee letter ako ng gamot.
00:55Kumaunti sana, papasalamat ako. Kasi itulong din ko sa mga senior citizen na nagmimiginan.
01:02Pebrero lang ngayong taon nang magsimulang uminom ng maintenance medicine si Tatay Victoria
01:07para sa diabetes, hypertension at asthma.
01:11Bukod pa ang tinuturok na insulina.
01:13Tulad niya, nagmi-maintenance rin ang kanyang misis.
01:16Maygit 20,000 pesos ang kanilang gastusin sa gamota.
01:19Kaya napakalaking tulong sa kanila ang guarantee letter mula sa DSWD.
01:24Ang malaking tulong talaga yun.
01:27Kasi ang senior, magkano rin ng mga nadi-discount lang eh.
01:31Saka halos, konti lang naman nang nababawas kung tutuusin eh.
01:37Eh, tama-tama, meron ng guarantee sa mercury drug.
01:43Mas gaganda.
01:44Magandang balita para sa mga tulad niyong tatay Victor at nanay Rosa na nagmi-maintenance.
01:50Simula sa Junto kasi ay tatanggap na ang 72 mercury drug outlets sa buong Pilipinas
01:56ng guarantee letters mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation
02:01at ayuda para sa kapos ang kita program o akapa ng Department of Social Welfare and Development.
02:08Nagsimula ang partnership ng mercury drug at DSWD noong November 2024.
02:13Bahagi ito ng inisiyatibo ng ahensya na mapababa ang gastusin ng ating mga kababayan sa kanilang gamutan.
02:20Tatanggap ng GL ang mga mercury drug stores sa National Capital Region, Central Luzon, Calabar Zon,
02:26Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas,
02:32Sambuanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soxargen at Caraga Region.
02:37Kasalukuyan na rin inaayos ng kanilang field offices sa Region 1, Cagayan Valley, Bicol Region at Cordillera Administrative Region
02:46ang kasunduan sa mercury drug.
02:49Narito ang ilan sa mercury drug store branches na tatanggap ng DSWD issued guarantee letters mula sa Central Office.
02:56Narito naman ang mercury drug store branches na tatanggap ng DSWD issued GLs mula naman sa DSWD field office National Capital Region.
03:05Maglalagay din ng signage ang mercury drug stores bilang gabay sa mga kliyente.
03:11Hinihikayat naman ang DSWD ang ating mga kababayan na bisitahin ang pinakamalapit na DSWD field office sa kanilang lugar
03:19para sa kumpletong listahan ng mercury drug stores na tumatanggap ng guarantee letter mula sa ahensya.
03:26BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.