00:00Pinagsusumiti na rin ni Pangulong Bongbong Marcos ng courtesy resignation ng mga official ng mga Government-Owned and Controlled Corporations o GOCC.
00:08Kabilang diyan ang mga non-ex-official chairperson, chief executive officer o CEO, at appointive director, trustee, at mga membro ng GOCC governing board.
00:18Ayon sa direktiba ng Governance Commission for GOCCs, dapat naka-adres sa Pangulo at isumite sa Office of the Executive Secretary ang courtesy resignation ng mga non-ex-official chairperson at CEO.
00:31Ang mga appointive directors, trustees, at membro ng GOCC governing boards naman, direct ang pinagsusumite ang courtesy resignation sa Governance Commission at naka-adres sa Pangulo.
00:42Bago nito, pinagsumite rin ang Pangulo ng courtesy resignation ng mga membro ng kanyang gabinete, kasama ang mga pinuno na ahensya at presidential advisor na may cabinet rank.
00:52Hakbang daw ito para masuri ng Pangulo ang naging performance ng mga opisyal sa mga ahensya ng gobyerno, kabilang na ang GOCCs.
Comments