Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/28/2025
TREASURES OF THE GAME | Sa ating Treasures of the Game kasama natin live sa studio si Sports Memorabilia Collector Dr. Michael Rico Mesina.

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At nagbabalik ang PTV Sports, mga kasama natin ngayong araw ang ating resident sports memorabilia collector na si Dr. Michael Rico Messina
00:16sa pagbabalik tanawin natin sa mundo ng Philippine sports, kasaysayan, nostalgia at marami pang iba.
00:23Dito lang yan sa Treasures of the Game, Doc.
00:26Welcome na naman. Good morning.
00:27Good morning, Raf. Good morning, Bernadette. Good morning din sa mga teammates natin na nanonood sa Treasures of the Game.
00:34And syempre, as always, meron tayong three items na naman, no, Doc?
00:38Three items na ipapakita sa inyo mga teammates.
00:41At sana ma-enjoy nyo kasi excited din ako dito, partner.
00:45Ako, excited ako. Gusto kong makita. Ano ba yung papakita natin, Doc?
00:49Simulan na natin ngayon, no, yung pagpapakita ng mga items.
00:52So, simulan natin. Bernadette, Raf, alam nyo ba yung food chain na Smokies?
00:58Sa totoo lang, Doc, hindi.
01:00Ako, ako, Doc, hindi.
01:01So, yung Smokies, isa siyang food chain, particularly sa mga hotdog sandwiches.
01:07So, namayagpag siya or sikat siya nung mga 80s hanggang 90s.
01:12Doon siya pinakasikat.
01:14So, paano ngayon siya may co-connect sa basketball?
01:17So, during that time, kasi mga 80s, 90s, maraming mga produkto na tinatay up natin doon sa mga stars natin sa basketball para ma-promote yung mga produkto nila.
01:28Kung baga mga endorsement deals.
01:30Oh, endorsement or marketing deals.
01:32So, ito yung papakita natin sa ating mga teammates sa isang notebook, promotional notebook, na gawa nung Smokies.
01:41Pakita natin sa camera.
01:43Dok, makikita natin nga, no?
01:48Meron mga manlalaro dyan.
01:50Ah, kayo nga.
01:51Na, ang ilan dyan, talagang kilalang kilala natin, Doc.
01:55Sino-sino ba yung mga nandyan sa cover ng notebook na yan?
01:58So, simulan natin, no?
02:00Mula sa kaliwa, papunta sa kanan,
02:02nandito si Dindo Pumarin,
02:05Jojo Lastimosa,
02:07sa gitna si Jericho Diniera,
02:10sa sunod niya si Nelson Asaitono,
02:13at sa dulong kanan, si Alvin Patrimonyo.
02:16Naku!
02:17Ang bata pa po nila dito.
02:19Oh, tsaka maraming dyan, familiar sa atin, no?
02:22Kasi ilan sa kanila ay kasama dun sa 50-grade test list ng PBA.
02:28Dok, gano'n ba kasikat yung mga ganito po dati?
02:32Ah, dati, ano,
02:33very popular siya, lalo na sa mga fans,
02:36kasi gusto nila magkaroon ng mga memorabilie,
02:39dun sa mga paborito nilang players.
02:41So, pag may mga ganyang promotional materials na nilalabas,
02:45yung mga, for example, yan, yung mga food chains, ganyan,
02:49madalas siyang dinudumog ng mga basketball fans natin,
02:52tsaka mga collector.
02:53Teammate, may tanong ako sa'yo,
02:54noong high school ka ba,
02:56o hanggang college siguro,
02:58meron ka rin bang mga notebook na yung iba-iba yung design?
03:01Ano, yung parang...
03:02Ma-artista ba yung mga...
03:03Oo, depende sa'yo.
03:04Oo, yung mga...
03:05Basta mga artista,
03:07tapos,
03:08syempre, binibili ko rin kapag idol ko.
03:10Sino?
03:11Like, sino yung mga laman ng...
03:12Ay, wala yung mga K-pop.
03:14Ay, mga gano'n na yung hinab.
03:15Mga gano'n na yung naabot ko.
03:16Mga reset na yan,
03:17mga Bernadette, ha?
03:18Meron mga gagamboy.
03:21Na ano ko yun.
03:22Na-reveal yung...
03:22Oo, na-reveal.
03:24So, ngayon,
03:25paano nating malalaman kung anong year nilabas most likely itong notebook na ito?
03:31So, kung titignan natin yung una yung pattern ng jersey niya,
03:35tsaka kung titignan natin,
03:37nandito na si Sir Dindo Pumarin tsaka Nelson Asaito, no?
03:41So, ang rookie year nilang dalawa ay 1989.
03:44Oh.
03:44So, most likely itong materialis na ito ay nilabas noong 1989
03:50para i-promote using smokies.
03:52Parang may sulat po, no?
03:54Sa harap.
03:54So, yung unang may-ari pa siguro ang nagsulat niyan, Dok?
03:57Tama ba?
03:57Oh, yung unang may-ari pa yung nagsulat niyan.
04:00Nag-letter pa lang.
04:01Bakitabang diary niya yan.
04:02Oo nga, sorry, sorry, sorry.
04:04Gamit na gamit yung notebook na yan.
04:06Tsaka malaman mo talagang vintage siya eh.
04:08Oo.
04:08Yung amoy.
04:09Dok, napag-usahin na natin dati, no?
04:11Pero alam natin,
04:12nangongolekta ka rin marami ng mga paper-bound na mga libro,
04:18mga notebook, mga ticket, mga ganito.
04:21So, gaano ka-importante yung pag-iingat sa mga ganitong materyales
04:25para hindi siya maluma over time?
04:28At ano-ano yung mga steps na ginagawa nyo para i-preserve yung mga ganitong bagay?
04:33So, lalo na, no?
04:34Pag yung mga papel or mga ephemera na maninipis,
04:38maganda ilagay siya sa isang case
04:40para hindi siya mapunit as much as possible.
04:43Tapos, of course, yung moisture, magandang lagyan ng desiccant,
04:48yung nalagyan ng mga ganitong klaseng mga material
04:51para hindi mabasa or hindi madaling masira yung mga kitap.
04:56Okay?
04:57So, punta na tayo, Raph.
04:59Ano ba yung next nating items, coach?
05:03Ay, sir, na-watch na.
05:05Ayan.
05:06So, ito naman ay isang ticket.
05:09So, Philippine Charity Sweepstakes.
05:12Ooh!
05:12PCSO.
05:13PCSO.
05:14So, ito, nandito sa harap,
05:17merong logo ng TAAF.
05:20So, ang TAAF ay ang
05:21Philippine Amateur Athletic Federation.
05:27Parang pataaf upon ngayon?
05:28Parang.
05:29Actually, ito yung precursor ng Philippine Sports Commission ngayon.
05:32Ah, okay.
05:33Magandang yan.
05:33So, sila yung nag-handle.
05:34For example, yung nagpapadala tayo
05:36ng mga atleta sa mga iba-ibang
05:39international at national na mga competition.
05:42Duke, ikwento nyo naman sa amin yung significance
05:44kung bakit nga merong logo ng PAAF
05:47ang isang Sweepstakes ticket.
05:50Oo.
05:50So, yan yung particular na ticket na yan.
05:52Nilagyan nila ng logo
05:54kasi, ah, diba,
05:55ang mga tao pag bumibili ng Sweepstakes na ticket,
05:58merong pinaglalaanan yung pera
06:01na pinambayad nila doon sa ticket.
06:02So, ito, doon sa particular na edisyon na to,
06:06a significant part of it will go to the training
06:10and for the upkeep ng ating PAAF.
06:14For example, ito rin, yung mga luma nating mga ticket, actually,
06:18noong mga 1930s,
06:20yung pinaglalaanan mostly
06:23nung pinagbentaan ng ticket
06:25ay para tustusan yung mga Olympic teams natin
06:27tsaka yung ibang mga teams
06:29na nagko-compete sa ibang bansa.
06:31Alright, pakita po natin.
06:32Yan.
06:32Opo, dok, medyo matagal na po ito, ah.
06:361966.
06:36Oh, 1966.
06:38Oo.
06:39Bakit po, ano,
06:40ba't nawala yung ganitong pong
06:41pagkakataon na may mga ganitong pong ticket?
06:45O, kasi ngayon,
06:47ang sikat na ngayon,
06:47yung mga loto,
06:49at saka yung ibang mga outfits
06:52kung saan nagtataya yung ating mga kababayan.
06:56Pero dati,
06:56nung wala pa yung mga yan,
06:58yung sweepstakes,
06:59yung madalas na...
06:59Yan talaga yung number one.
07:00...na nagtataya yung ating mga kababayan noon.
07:04Pero ang maganda po dito, no,
07:06parang kapag bibili ka,
07:08parang makikita mo din yung pagsuporta
07:09sa ating ating ating pinagbenta.
07:11Sa iba-ibang cause.
07:12Opo.
07:12Sa aming pinaglalaanan,
07:13yung money na ginugugol ng mga tao
07:17para dito.
07:18At alam mong,
07:19nasa mabuting cause mapupunta.
07:21Hindi ka talaga manghihinayang
07:23dahil alam mong sumusuporta ka
07:24sa mga atletong Pilipino.
07:26Yan.
07:26Alright.
07:28Ganda.
07:29Next naman,
07:29Doc,
07:29meron tayong huli pang item
07:31at ito,
07:32napaka...
07:32at dito ako pinaka-excited for it.
07:34Doc,
07:35pakita natin yung jersey na talam mo ngayon.
07:37Jersey.
07:37Nako.
07:37Anong hint niyan, Doc?
07:39So, ano,
07:39paulaan natin.
07:40Okay.
07:41Pakita natin yung team.
07:42Kung kanino.
07:42So, siya'y naglalaro.
07:44Sige, Sir Raph.
07:46Okay.
07:47Siya'y naglaro nun para sa Alaska.
07:49So, actually,
07:50merong connect ito
07:52dito sa item na ito.
07:54Oh.
07:54So, di ba,
07:55ang PAAF ngayon
07:56ay
07:56Philippine Sports Commission.
07:58Uh-huh.
07:58So, alam mo ba
07:59kung sino ang ating chairman ngayon?
08:01Yes,
08:02chairman naman, Doc,
08:02si Richard Bachman.
08:04So, pakita natin.
08:05Ito.
08:05Oh!
08:06Yan.
08:06Ito ay,
08:07Doc,
08:08anong klaseng jersey
08:09itong dinala mong today?
08:11So, ito'y isang game-worn jersey
08:13ni chairman Bachman
08:15nung naglalaro siya
08:16para sa Alaska.
08:17Okay.
08:17Baka gusto mong hawakan pa.
08:18Kaya nga, eh.
08:20Nako.
08:22Chair,
08:23ito po palang
08:23inyong jersey.
08:25At saka,
08:26matangkad kasi din talaga si...
08:27O, center si chairman Bachman, eh.
08:29So,
08:30naglaro siya ng
08:30siyam na taon
08:31para sa isang team lang
08:33para sa Alaska Aces.
08:34So,
08:35naging bagi rin siya
08:36ng Grand Slam team
08:37nung Alaska
08:38nung 1996
08:39at eventually
08:41naging assistant coach din siya
08:42para sa Alaska rin.
08:44Alam naman natin ngayon,
08:45diba,
08:45isa sa mga top officials
08:47ng ating bansa
08:48si chairman Bachman.
08:50Siya yung
08:51PSC natin ngayon, chairman.
08:53Pero,
08:54Doc,
08:54kung ititrace natin
08:56yung kanyang
08:56career trajectory,
09:00dito talaga
09:00nagsimula sa PBA.
09:01Kwenta natin, Doc,
09:02kung paano niya
09:03narating yung position niya
09:04ngayon.
09:05Ah, okay.
09:05So,
09:06sa pagiging player,
09:07so,
09:07siya yung naging player
09:08from Lasal.
09:09Parang yung tatay niya
09:10si Kurt Bachman.
09:12So,
09:12si Kurt Bachman,
09:13isa siya dun sa
09:14tatlong basketball player lang
09:16na yung numbers niya
09:17ni-retire
09:18nung universidad.
09:19So,
09:20yung number na yun,
09:21una,
09:21number 33
09:22ni Kurt Bachman.
09:24Pangalawa,
09:25number 14
09:26ni Lim Engbeng.
09:28So,
09:28si Lim Engbeng,
09:29isa siya sa 50 greatest players din
09:30sa PBA.
09:32At pangatlo,
09:33yung kay Renren Ritualo,
09:34number 4.
09:35So,
09:36isa sa mga pinakamatinikla
09:37shooters sa kasaysayan
09:38nung Philippine basketball.
09:41So,
09:41going back kay
09:42Chairman Bachman,
09:43So,
09:45after ni Salasal,
09:46naglaro siya sa Alaska,
09:48nag-coach.
09:49Tapos,
09:49from there,
09:50naging commissioner pala siya
09:51ng UAAP.
09:54Tsaka,
09:55aside from that,
09:56naging headroom siya
09:57nung 3x3
09:58nung PBA
09:59bago siya naging
10:00Philippine Sports
10:01Commission
10:02na chairman.
10:03O,
10:04makikita natin
10:04yung supporta,
10:06tsaka yung
10:06talagang passion
10:07ni chairman
10:08na Richard Bachman
10:10sa pagdating sa
10:10Philippine Sports.
10:11Kasi imagine,
10:12from being a player,
10:13talagang nag-coach siya,
10:15tapos naging commissioner,
10:16tapos eto na yung
10:16posisyon niya ngayon.
10:18At hindi lang sa
10:19basketball natin
10:20nakikita ito si
10:21chairman.
10:22Lahat ng
10:23usaping sports,
10:24nasa baseball yan,
10:25nasa sepak takraw,
10:27lahat makikita mo siya.
10:28So,
10:28makikita natin yung
10:29passion niya
10:30pagdating po sa sports.
10:31So,
10:31parang been there,
10:32done that si
10:33chairman Bachman,
10:34mula sa pagiging
10:35player,
10:36sa pag-coach,
10:37ngayon,
10:37administrator at
10:38chairman na
10:39ng Philippine Sports
10:40Commission.
10:41Dok,
10:41balikan lang natin
10:42saglit yung
10:43karyer ni chairman
10:44Bachman na
10:44sa basketball player.
10:45Ano yung pinaka
10:46tumatak sa'yo?
10:48Pagka inaalala mo
10:50yung karera niya
10:51bilang isang
10:52PBA player.
10:54So,
10:54pag iniisip natin
10:56yung Alaska,
10:56doon sa 1990s,
10:58madalas yung
10:59pumupunta sa isip
11:00natin yung
11:00big three.
11:02Si Johnny Abarientos,
11:04Jojo Lastimosa,
11:06Bong Hawkins,
11:07isama na rin natin
11:07yung starting five,
11:08si Sir Jeffrey Carriazo,
11:10siya kasi
11:11Pochino.
11:12Pero,
11:12siyempre sa lahat
11:13ng mga team,
11:14kailangan ng mga
11:14role players.
11:16Kasi kung hindi
11:17gagana yung mga
11:18role players,
11:19hindi magiging
11:20champion team
11:20ang isang kaponan.
11:21So,
11:21doon nag-excel po
11:22si Chairman Bachman
11:24doing his role
11:25for the team.
11:26At ngayon,
11:27from role player
11:28ngayon,
11:28siya na ang leader.
11:29Leader ng ating
11:30Philippine Sports Commission.
11:32At hindi bihira
11:33yung mga ganun
11:33pagkakataon
11:34na yung mga role players
11:35nag-aasend sila
11:36into leadership positions.
11:38Diba, Doc?
11:38Ang top of my mind,
11:39naiisip ko ngayon
11:40si Coach JJ Reddick
11:41ng LA Lakers
11:43na isang role player.
11:45Pero,
11:45nung inangat siya
11:46sa pagiging isang head coach,
11:47nakita natin
11:48na meron talaga siya
11:49ibubuga.
11:50Isa rin yung pumapasok
11:51sa isip ko
11:51pag ganun,
11:52si Phil Jackson.
11:53From a role player
11:55sa New York Knicks,
11:57naging multi-title coach siya
11:58sa Bulls
11:59at sa Lakers.
12:01Alright.
12:01Alam mo,
12:02after nito,
12:03manunod ako sa YouTube
12:04mga play,
12:04mga highlights,
12:06chairs,
12:07papakita ko sa kanya
12:08kapag nagkita kami.
12:10Okay.
12:10At dyan muna,
12:11nagtatapos ang isa na namang
12:12episode ng ating
12:14Treasures of the Game
12:14teammate.
12:15Samahan nyo kami
12:16next week dito
12:17at may ipapakita
12:18uli kami sa inyong
12:19mga items
12:20mula sa koleksyon
12:21ng ating Resident
12:22Subject Matter Expert
12:23at Sports Memorabilia
12:25Collector na si
12:25Dr. Michael Rico Messina.
12:27Teammate,
12:28salamat!

Recommended