00:00Aminado mga motorista na mas naging maingat sila ngayong nagbabalik ang no-contact apprehension policy.
00:07Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority,
00:10mahigit sa isang libo ang nahuling lumalabag sa batas trapiko sa unang araw pa lang ng pagbabalik ng NCAP.
00:17Yan ang ulat ni Bernard Ferrer.
00:20Mas tumagal na ngayon ang biyahe ng ride-hailing app driver na si Mariano
00:24nang muling ipatupad ang no-contact apprehension policy o NCAP sa Metro Manila.
00:29Kung dati nakakulusot pa siya sa gitna ng masikip na trapiko,
00:33particular sa Commonwealth Avenue, ngayon ay mas limitado na ang kanyang galaw.
00:37Kailangan niya ng manatili sa motorcycle lane upang maiwasan ang no-mang traffic violation.
00:42Sinisikap ko po eh kasi mayroon magkaroon ng violation.
00:45Ang hirap mag-bihay sa mobile tapos yung kikitain mo eh babayad lang itutubos lang sa violation.
00:51Kaya naman nananawagan siya sa mga kinauukula na pabilisin ng desisyon
00:54hingga sa panukalang shared bike and motorcycle lane
00:57upang kahit papaano'y gumaan ng daloy ng trapiko para sa mga kagaya niya.
01:02Nanawagan din si Mariano na mas gawing mabilis ang proseso ng pag-monitor na mga paglabag sa trapiko.
01:08Sa unang araw pa lamang ng pagpapatupad ng NCAP,
01:11umabot agad sa 1,112 na motorista ang nahuling lumabag sa mga batas trapiko.
01:17Ngayong Martes, mula alas sa is ng umaga hanggang alauna ng hapon,
01:20naitala rin ang karagdagang 393 na motorista na lumabag sa nasabing pulisiya.
01:25Karamihan sa mga paglabag ay may kaugnayan sa hindi pagsunod sa traffic sign
01:29at iligal na paggamit ng EDSA busway.
01:32Ang NCAP ay sistema ang gumagamit ng mga closed circuit television o CCTV camera
01:37na nakalagay sa mga paunay lansangan sa ilalim ng jurisdiksyon ng MMDA
01:41upang otomatikong makuhanan ang mga traffic violation.
01:45Kabilang sa mga sakot nito ang mga circunferential at radial roads
01:48gaya ng EDSA at C5.
01:50Inilabas rin ng MMDA ang listahan ng top 20 traffic violations
01:54at ang kaukulang multa na naglalaro mula 150 pesos hanggang 5,000 pesos.
02:00Ayon sa MMDA, sakaling may naitalang paglabag,
02:02makatatanggap ang motorista ng notice of violation sa pamamagitan ng field post.
02:07Ngunit pinag-aaralan na rin nila ang posibilidad ng pagpapadala ng text message
02:11at ang paglulusan ng isang mobile app
02:13na magbibigay ng real-time na impormasyon tungkol sa mga traffic violation.
02:17Maaari namang i-apila ang mga violations sa pamamagitan ng online filing platform
02:21ng MMDA Traffic Adjudication Division
02:23o direct na magtungo sa kaling tanggapan sa Pasig City.
02:27Kung hindi nabayaran ng multa,
02:28ilalagay ang plaka ng sasakyan sa alarm list ng Land Transportation Office.
02:33Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
02:37Maaari namang,