00:00Binigyan din ni House Speaker Martin Romualdez ang kahalagahan ng pinalakas sa kooperasyon ng ASEAN lawmakers para sa pagtatanggol ng ating mga teritoryo at ng rules-based international order.
00:12Tekosunod na rin ng pagsusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mga usapin sa West Philippine Sea sa 46 ASEAN Summit sa Malaysia.
00:21Si Mela Lesmora sa Sentro ng Balita.
00:23Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang mga mambabatas mula sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN na magsanib pwersa para ipagtanggol ang ating mga teritoryo at ang rules-based international order.
00:41Sa kanyang talumpati sa 14th ASEAN Leaders Interface kasama ang mga kinatawan ng ASEAN Interparliamentary Assembly sa Kuala Lumpur Convention Center sa Malaysia,
00:53binigyan din ni Romualdez ang mahalagang papel ng mga legislative institutions sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaunlaran at soberanyan ng rehyon.
01:03Ayon kay Speaker Romualdez, kailangan magkaisa sa pagkilos ng ASEAN lawmakers para sa kapakanan ng bawat mamamayan pagbibigay proteksyon sa ating mga karagatan at iba yung paglago ng ating ekonomiya.
01:17Kabilang anya sa dapat paiktingin ang pagpapairal ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
01:25Si Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. una na rin isinulong ang mausapin ukol sa West Philippine Sea sa kanyang pagdalo sa 46th ASEAN Summit sa Malaysia.
01:35Naiskunin ang presidente ang suporta ng ASEAN para mabuo na ang South China Sea Code of Conduct sa susunod na taon kung kailan magsisilbing host country ng ASEAN Summit ang Pilipinas.
01:47Para sa National Security Council, maganda ang ibubunga nito.
01:51We hope and pray that the president will be able to get support from the political leadership of the other ASEAN nations towards this approach.
02:02We understand that ASEAN will be stronger if we have our position so that when we have this Code of Conduct negotiations, mas mabilis siyang matatapos.
02:16Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.