00:00Samantala, inilatag ng mga ahensyo ng pamahalaan ang mga plano para sa ligtas at maayos na trapiko habang isinasagawa ang EDSA Rehabilitation.
00:11Ito'y alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagaanin ang epekto ng pagsasayayos ng EDSA sa mga commuter at motorista.
00:21Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, sisimulan ang preparatory work sa EDSA Rebuilding sa June 13.
00:28Kabilang sa mga inilatag na hakbang ni Department of Transportation Secretary Vince Dizon ay ang pagbibigay na libreng toll sa Skyway Stage 3,
00:39nakahandang isandaang bus units para sa EDSA busway at dagdag ng mga trends sa MRT3.
00:46Dagdag ng kalihiman na natili pa rin ang dedicated EDSA busway habang isinasayos ang EDSA.
00:52Inanunsyo naman ni MMDA Chairman Romando Artes ang pagpapatupad ng add-even schemes sa EDSA at clearing ng mga obstruction sa alternate routes.