00:00Nagsampana ng kaso sa Quezon City Regional Trial Court ang pamilya ng mga biktima sa road crash na SETEX,
00:06laban sa driver at presidente ng Pangasinan Solid North Transit Incorporated.
00:11Samantala, lisensyon ng driver na sangkot sa insidente sa NIA Terminal 1 na ikinasawi ng dalawang individual,
00:18binawi na ng LTO. Yan ang ulat ni Bernard Ferrell.
00:23Personal na sinamahan ni Department of Transportation Secretary Vince Dizon
00:27ang pamilya ni na Philippine Coast Guard C-11, Dane Janica Alinas at John John Alina sa paghahain ng civil case
00:34sa Quezon City Regional Trial Court, laban sa driver at presidente ng Pangasinan Solid North Transit Incorporated,
00:41kaugnay ng road crash sa SETEX noong May 2 na ikinasawi ng mag-asawa at walo pang biktima.
00:46Humihingi ng kabuang 50 milyong pisong danyos ang pamilya Alinas para sa pagkamatay ng mag-asawa
00:52at bilang suporta sa kanilang dalawang taong gulang na anak na mapalad na nakaligtas sa insidente.
00:57Kabilin-bilin na ng Pangulong natin na kailangan talaga nating panagutin ang Solid North at yung driver
01:04para sa justisya, hindi lamang kay Dane at kay John John, kundi pati na rin yung ibang biktima.
01:13Bukod dito, nagsamparin ang DOTR ng hiwalay na civil case sa Korte sa Andi Polo City
01:18para sa iba pang biktima kung saan humihingi ng hanggang 80 milyong pisong danyos sa mga naulila.
01:24Ito ay hiwalay pang kasong kriminal na isinampan ang Department of Justice laban sa Solid North.
01:29Tiniyak ni Secretary Deeso na hindi dito nagtatapos ang hakbang ng pamahalaan.
01:33Anya, patuloy ang kanilang pagsasagawa ng mga reforma sa road safety
01:37upang maiwasan ang mga ganitong insidente sa hinaharap.
01:40Ayon pa sa kalihim, ipinagutos niya na ang pagpapabilis ng mga aksyo laban sa Solid North
01:46alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
01:49patapos matuklas ang may ilang mga busang kumpanya ang bumagsak sa roadworthiness test.
01:55Bapalapan ni Secretary Deeso sa lahat ng operator ng public utility vehicles.
01:59Binigyan kayo ng prangkisa pero responsibilidad nyo yan.
02:03At kung may mangyari, merong konsekwensyan.
02:08At ang mensahin ni Pangulong Bongbong Marcos at ng buong gobyerno,
02:14eh hindi namin ito tolerate yan at hindi namin papagampasin yan.
02:18Samantala, binawi na ng Land Transportation Office ang lisensya ng driver
02:22ng isang sports utility vehicle na sangkot sa insidente sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1
02:28noong May 4 kung saan dalawa ang nasawi.
02:31Batay sa limang pahin ang desisyon ay permado ni LTO Chief
02:34at si San Sekretary Vigor Mendoza II
02:36na patunayang guilty ang driver sa reckless driving.
02:39Siya rin ay pinagmumulta ng 2,000 piso
02:42at hindi papayagang magmaneho sa loob ng apat na taon.
02:46Bernard Ferret, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
02:50Bernard Ferret, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.