00:00Nananatiling matayog ang posisyon ng GMI Network bilang nangungunang media company sa bansa.
00:08Iniulat sa annual stockholders meeting kanina na numero uno pa rin ang kapuso network sa viewership, sa digital engagement at mga radio broadcast.
00:19Yan ay sa kapila ng iba't ibang hamon sa ekonomiya noong nakaraang taon.
00:23Nakatutok si JP Soriano.
00:25Sa telebisyon, radio, online, at maging sa takiyak, patuloy ang pananahig ng GMA Network itong 2024.
00:41Yan ang iniulat ni GMA President and Chief Executive Officer Gilberto Ardwavit Jr. sa annual stockholders meeting ngayong araw.
00:49We retained our position as the convincingly dominant TV broadcast network in the country.
00:54Base sa National Urban TV Audience Measurement People Ratings ng Nielsen, nagtala ng average ratings na 5.1 ang GMA, malayo sa 1.9 ng TV5.
01:06Sumunod naman yan ang GTV.
01:09Nanguna rin ang GMA maging sa Fentam o yung Philippine National TV Audience Measurement People Ratings ng Nielsen,
01:15na nagtala ng average ratings na 4.7.
01:19Mga programang kapuso rin ang nanguna sa ratings.
01:23At nananatini rin number one sa radyo sa Mega Manila ang Super Radio DZWB at Parangay LS.
01:31Nanguna rin ang ilan sa mga local radio stations ng GMA sa mga probinsya.
01:36Pati ang mga newscast ng GMA Regional TV nanguna sa ratings sa iba't ibang probinsya.
01:41Sa digital space, halos buong 2024, hawak ng GMA ang pagiging highest ranking media company sa Southeast Asia
01:51sa Tubular Labs Leaderboard for Media and Entertainment Properties.
01:55Ayon din sa Tubular Labs, nagtala ang mga official accounts ng GMA
01:59ng 45.5 billion views sa Facebook, YouTube at TikTok.
02:05Tumaas naman ng 14% ang total subscribers, followers at users ng GMA sa lahat ng digital platforms.
02:14Habang hindi lang sa takilya humakot kundi sa mga parangat,
02:18ang mga pelikulang ginawa ng GMA pictures.
02:21Pero dahil sa iba't ibang hamon, bumaba ang consolidated revenues at net income ng GMA noong 2024
02:29para mapanatili ang pangunguna ng GMA, patuloy naman ang mga hakbang sa lalo pang pagpapalakas ng network.
02:36As we go forward, no effort is spared towards achieving our objective of value optimization
02:44in the broadcast and digital spaces, keeping a keen eye out to ensure our continued leadership and competitiveness in both.
02:53Ang GMA Network Annual Stockholders Meeting ay dinuluhan din ng Board of Directors ng GMA
02:59na sina GMA Chairman of the Board, Atty. Felipe L. Gozon, Chairman of the Executive Committee, Joel Jimenez,
03:06Executive Vice President, Felipe S. Yalong, GMA Senior Vice President, Atty. Annette Gozon-Valdez,
03:13Judith Duavit Vasquez, Laura Westphal, at iba pang opisyal ng GMA Network.
03:20Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Comments