00:00Sa detalya ng mga balita, isa ang patay matapos tangayin ng rumaragasang baha sa Mindanao.
00:05Puspuso naman ang pagtugon ng gobyerno sa mga naapektohang residente.
00:10Ang detalya sa report na Regine Lanusa ng PTV Davao.
00:17Patuloy ang pagtugon ng pambansang pamahalaan sa epekto ng malawakang pagbaha sa Maguindanao del Sur.
00:25Kasunod ng dalawang araw na walang tigil na pagulan.
00:28Tinatayang nasa 6,000 pamilya o mahigit 30,000 individual ang apektado sa mga bayan ng Dato Abdullah Sanki,
00:36Sharif Agwak, Dato Saudi Ampatuan at Dato Salibo.
00:40Pinakamaluba ang pinsala sa Dato Salibo kung saan nalubog sa baha ang labing pitong barangay,
00:47kabilang na ang mismong gusali ng munisipyo.
00:50Agarang nagsagawa ng aerial survey at ground inspection ang Office of Civil Defense Barm.
00:55Katawang ang Tactical Operations Group ng Philippine Air Force at ang 6th Infantry Division ng Philippine Army upang matukoy ang lawak ng pinsala at mga dapat tugunan.
01:07Sa inisyal na assessment, nasira ang isang tulay na yari sa kahoy sa bayan ng Mama Sapano, isa sa pangunahing daanan ng mga residente.
01:16Dahil dito, naantala ang pagpasok ng ayuda at ang pagpapalikas sa mga naipit na residente.
01:22Kabilang ito sa mga prioridad na ipaayos ng pamahalaan sa lalong madaling panahon.
01:28Sa kabila ng mga paunang hakbang, nagpapatuloy ang damage assessment ng mga kaukulang ahensya.
01:35Ayon sa OCD Barm, pinaghahandaan na rin ang posibilidad na mas marami pang residente ang kailangang ilikas kung magpapatuloy ang masamang panahon.
01:43Sa ilalim ng bagong administrasyon, binibigyang diin ang proactive at long-term approach sa disaster response.
01:52Tiniyak ng pamahalaan na ang makasalukuyang hakbang ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon at pagbubuo ng mga estrategiyang pangmatagalan
02:01upang mapangalagaan ang mga komunidad sa mga susunod pang panahon ng kalamidad.
02:06Samantala sa Sultan Kudarat, nasagip ang mga sakay ng isang truck na tumirik sa gitna ng bahat sa barangay Basag sa Sen. Ininoy Aquino Sultan Kudarat.
02:17Ayon sa uploader, pauwi sana ng maitong saranggani ang truck, nang subukang tawirin ng driver ang baha.
02:25Ngunit hindi ito kinaya at tumirik sa gitna ng rumaragasang tubig.
02:28Sa tulong ng mga residente at gamit ang isang backhoe, matagumpay na nahila ang truck at nasagip ang mga sakay nito.
02:37Habang isinailalim na sa state of Kalamit ang bayan ng kumalarang Zamboanga del Sur, matapos ang matinding pagbaha na tumama sa siyam sa labing walong barangay ng bayan.
02:48Batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, umabot sa mahigit na 1,200 na mga pamilya ang inilikas.
02:58Habang isang 66 anyos na lalaki ang nasawi matapos tangayin ng rumaragasang tubig baha.
03:05Agad naglunsad ng mga rescue at relief operations.
03:09Patuloy din ang pagbibigay ng pagkain, tulong medikal at pansamantalang tirahan sa mga evacuees.
03:16Samantalang sa Davos City, hindi bababa sa 60 pamilyang residente ang pansamantalang inilikas at kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation center sa barangay Bunawan,
03:26matapos ang matinding pagbaha sa lugar.
03:29Bukod sa mga residente kapektado, nastranded din ang maraming motorista sa kahabaan ng National Highway sa barangay Lasang at barangay Bunawan nitong Martes ng umaga.
03:40Mayo 20, dahil sa malalim na baha na dulot na ulang tigil na ulan kagabi.
03:45Dahil dito, nagtulungan na ang mga residente sa pagtutulak ng mga nastranded na potrosiklo upang makatawid.
03:52Maraming motorista ang naantala sa kanilang mga biyahe at nagkaroon ng mabigat na trapiko sa mga pangunahing kalsada papasok ng Davos City.
04:01Sa ngayon, unti-unti nang umuho pa ang tubig.
04:04Gayunman, may ilang kabahayan pa rin ang nananatiling lubog sa baha, partikular sa mga mababang lugar sa Bunawan.
04:12Regine Lanuza, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.