Skip to playerSkip to main content
Sa susunod na buwan na sisimulan ang malawakang pagkukumpuni sa EDSA na inaasahang magdudulot ng matinding traffic. Para maibsan ‘yan, pinaplantsa na ng gobyerno ang ilang programa—kabilang ang posibeng paglibre sa ilang bahagi ng Skyway at pagsasaayos ng mga pasilidad sa EDSA Bus Carousel.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa susunod na buwan na sisimulan, ang malawakang pagkukumpuni sa EDSA na inaasahang magdudulot ng matinding traffic.
00:09At para maibsan yan, pinaplan siya na ng gobyerno ang ilang programa,
00:13kabilang ang posibleng paglibre sa ilang bahagi ng Skyway at pagsasayos ng mga pasilidad sa EDSA Bus Carousel.
00:22Nakatutok si Joseph Moro.
00:23Ihandan niyo na ang inyong mga sarili sa Carmageddon o heavy-guard na traffic kapag sinimula na ang EDSA rebuilding
00:32o malawakang pagkumpuni ng EDSA na ayon sa MMDA ay sisimula na sa June 13.
00:39Sabi ni Transportation Secretary Vince Dyson Bultuhan ang gagawing kumpuni
00:42lal hindi na raw sasapat ang patsy-patsyeng re-blocking o pag-aspato lamang ng EDSA.
00:47Unang maapektuhan ang bahagi ng EDSA mula sa Rojas Boulevard sa Maynila hanggang sa Guadalupe sa Makati.
00:54Ayon sa DPWH, siya isa-isahing kumpunihin ang mga lane para hindi kailangan tuluyang isara ang EDSA
00:59para mabawasan ng traffic planong ilibre ang ilang bahagi ng Skyway.
01:03Yung mga kababayan natin na imbes na sa EDSA, meron silang ibang dadaanan, alternative na dadaanan.
01:10At ang pinakamadaging alternative na dadaanan ay ang Skyway.
01:14Nasa dalawang taon na kukumpunihin ang EDSA.
01:18At ayon sa Department of Transportation, hindi naman daw kailangan mag-alala
01:21noong mga gumagamit ng EDSA busway dahil meron pa rin yan, ilalabas na lamang at dedicated pa rin yan.
01:28Ang mawawalan ng lane ay yung mga private na mga motorista.
01:32Maganda tayong magagawa. Kaya nga unahin natin ang commuter.
01:35Kaya nga inaayos na ang ilang mga pasilidad sa EDSA bus carousel
01:38katulad ng pagpapagana ng labing walong mga elevator sa anim na stasyon nito.
01:42Naglagay na rin ang mga wheelchair lift para sa mga persons with disability tulad nito.
01:48Pinagbigyan naman ng Korte Suprema ang petisyon ng MMDA na ilift o tanggalin
01:52ang Temporary Restraining Order sa No Contact Apprehension Policy o NCAP
01:57na ayon sa MMDA magagamit nila sa mas mabilis na paghuli sa mga traffic violator habang ginagawa ang EDSA.
02:04May patutupad na rin ito sa mga lungsod na may horisdiksyon ng MMDA.
02:08Yung mga violators, hindi na namin kailangang parahin magtalo,
02:14issuehan physically ng tiket na habang ginagawa yun ay nakakaabala pa sa traffic.
02:20So kung may NCAP, tuloy-tuloy na yung takbo at uhuliin na lang namin through CCTV camera.
02:28Pinamabadali na rin ang pagtapos sa common station ng LRT, MRT3 at MRT7
02:33na noong 2021 pa target matapos. Ininspeksyon ni Tony Dyson at nanghihinayang siya
02:38sa lampas apat na taong pagkakatinggan nito.
02:42Nagahanap ngayon ang bagong kontrakto ng DOTR para matapos na ito.
02:45Ang target natin by early 2027, tapos na lahat.
02:53Tapos na ang common station. Tapos na ang MRT7.
02:58And nakakonekta na tayo sa LRT1 papuntang MRT3 and MRT7.
03:05Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
03:15Tapos na pagkakatinggan na tayo sa LRT1.
Comments

Recommended