00:00Bumulwak at umapaw sa kalsadang tubig mula sa isang bundok sa Glan Sarangani.
00:08Dahil dito, pansamantala itong hindi nadaanan ng ilang residente, gumuhurin ang bahagi ng kalsada.
00:14Sa Sultan Kudarat, pahirapan ang pagdaan ng mga motorista sa isang highway dahil naman sa putik matapos ang matinding ulan.
00:23Lubog din sa baha ang isang highway sa Ampatuan, Maguindanao del Sur na nagbistulan ng ilog.
00:30Ayon sa pag-asa, dalawang weather systems ang naka-apekto ngayong araw sa bansa.
00:34Magdadala ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pagulan at thunderstorms sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa Mindanao, Eastern Visayas at Palawan.
00:44Easterlies naman ang magpapaulan sa Metro Manila at natitiram bahagi ng bansa.
00:49Sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng light to moderate rains bukas sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Zambales at ilang lugar sa Palawan.
00:57Light to intense rains naman ang posibleng maranasan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
01:02May chance na rin ng pagulan bukas sa Metro Manila.
Comments