00:00Umabot na sa 11 LGU sa Negros Occidental ang apektado ng Ashfall sa huling pagsabog ng Kanloon noong May 13.
00:08Si Iser Andozo ng PIA Western Visayas para sa Balitang Pambansa.
00:14Umabot na sa 11 LGU sa Negros Occidental ang apektado ng Ashfall sa huling pagsabog ng Kanloon noong Mayo 13.
00:22Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Emergency Operations Center,
00:27Umabot na ang Ashfall at Amoy ng Asupre sa mga bayan ng La Carlota, Bago, San Carlos, La Castellana, Murcia, San Enrique,
00:37Baladulid, Ponte Vedra, Hinigaran at Binalbagan kasama ang highly populated, highly urbanized city ng Bacolor.
00:44Sa Bago City, lahat ng mga barangay nito ay nakaranas ng pagpatak ng abo at Amoy Asupre,
00:50samantalang labing isang barangays naman sa La Carlota at siyam sa La Castellana.
00:54Tulong-tulong naman ang mga mamamayan, mga ahensya ng pamalaan at volunteer groups sa paglilinis ng daan upang matanggal ang mga abo.
01:03Kasunod ng muling pagpotok ng Kanloon, pinaalahanan ang publiko,
01:06lalo na sa mga lugar na apektado ng Ashfall sa paggamit ng face mask o iba pang alternatibo
01:12upang takpan ang ilong at bibig para maiwasan ang direktang pagkalanghap ng abo,
01:17lalo na sa may mga hika at iba pang sakit sa baga.
01:21Paalala naman ng Office of Civil Defense pagkatapos ng Ashfall ay linisin ang natipong abo sa bubong ng bahay
01:27upang maiwasan ang pagkahulog nito pagkatapos ay hugasan ng tubig ang bubong.
01:33Ilayo ang mga natipong abo sa daluyan ng tubig para maiwasan ang bara.
01:38Pakuloan ang tubig bago ito inumin lalo na kung na-expose ito sa abo.
01:43Hugasan din ang mga halaman at gulay bago ito kainin o lutuin.
01:47Punasan ang mga gamit at siguraduhin may takip ang ilong habang naglilinis.
01:53Pula sa PIA Western Visayas, Easter Andoza para sa Balitang Pambansa.