00:00Proud ang ilang votante na nakiisa sa eleksyon 2025.
00:04Karamihan sa kanila ay mga kabataan na malaki ang naging papel sa makasaysayang voter turnout sa midterm elections.
00:11Live mula sa PASIG, may unang balita si Bea Pinlak.
00:15Bea?
00:19Igan, tama ka. Makasaysayan ang naging voter turnout ngayong eleksyon 2025.
00:25Ayon yan sa Commission on Elections.
00:27At malaking bahagi raw dito ang boto ng kabataan.
00:35Taas noo ang 22 anyos na si Emanuel, nang ikwento niyang nakiisa siya sa botohan para sa eleksyon 2025 nitong lunes.
00:44Importante po kasi bumoto. Ayon yung chance natin na parang boses natin na pumili ng future natin na leader
00:53and magpapatakbo ng Pilipinas.
00:57Ang ilang kabataan tulad niya, naniniwalang ang pagboto sa mga tapat na leader
01:02ang isa sa mga maiaambag natin sa pagunlad ng bansa.
01:07Para rin naman po talaga sa mga kabataan yun and para po sa future nila.
01:11Paulit-ulit na po kasing naku po yung iba.
01:12Okay, so yung mga nasa kodigo ko po is yung mga bagong mukha po.
01:20Also yung mga may mga maaayos na plata format.
01:23Kasi may mga kabataan din po tayo na mga nagtatrabaho na rin po.
01:26So kailangan din po nila malaman kung saan po napupunta yung pera na binabayad nilang moves.
01:31At kailangan din po nila matuto at malaman kung sino po yung mas better na iboto
01:36kasi tayo din naman po yung mga ngailangan yun.
01:39Tayo din po yung makikinabang.
01:41Ayon sa Commission on Elections, makasaysayan ang naging voter turnout sa eleksyon 2025.
01:48Mahigit 55 milyon o 81.65% ng mga rehistradong botante kasi ang bumoto nitong lunis.
01:56Pinakamataas na voter turnout para sa midterm elections sa bansa.
02:00Mas mataas din ito sa 75.90% voter turnout noong 2019 polls.
02:05Malaki raw ang papel ng boto ng mga kabataan sa historic voter turnout ngayong taon.
02:11Ayon sa datos ng GMA Integrated News Research,
02:1468% o karamihan sa mga rehistradong botante ngayong eleksyon ay mga Gen Z at Millennial
02:20o yung mga may edad 18 hanggang 44.
02:24At ang malaking hamon daw sa mga Pilipino ngayon,
02:28Kailangan po nating bantayan and tignan kung talaga po bang totoo yung mga pinagsabi nila
02:34na ganito po yung gagawin ko, ganito po yung gagawin ko.
02:36Kung bagay yung mga pinangako po nila sa mga tao,
02:39need po natin tignan kung talaga po tutuparin nila yung mga pinangako po nila sa mga taong bayan.
02:44Igan, ayon sa ilang nakausap natin,
02:51hindi natatapos sa botohan ang tungkulin nating mga Pilipino.
02:54Dapat daw kapag naupo na sa pwesto ang mga bagong halal nating leader,
02:58bantayan natin sila at singilin sa mga pangako nila nung kampanya.
03:02Dahil sabi nga nila, ang tunay na leader dapat totoo.
03:05At yan ang unang balita mula dito sa Pasig.
03:08Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
03:11Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:16para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.