00:00Para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan,
00:03pinalawak at pinaigting pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:08ang pagbigay ng kalinga sa mga bata.
00:11Ito ay sa tulong ng batas na kanyang pinagtibay kung saan
00:14pagka panganak pa lamang ay may proteksyon at support na silang matatanggap.
00:19Kung ano yan, alamin sa Sentro ng Balita ni Kenneth Pasyente.
00:25Para lalo pang paigtingin ang pangangalaga sa mga batang Pilipino,
00:29nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:32ang Republic Act No. 12199 o Early Childhood Care and Development System Act
00:37na magtitiyak na palalakasin ang edukasyon, nutrisyon at proteksyon para sa mga bata
00:43mula pagkapanganak hanggang edad lima.
00:46Layon itong maibigay sa mga bata ang matibay na pundasyon sa pinakamaagang yugto ng kanilang buhay.
00:51Ang ECCD Council ang manguna sa pag-aalaga sa mga batang wala pang limang taon.
00:56Habang ang Department of Education naman ang mga ngalaga sa mga nasa edad lima hanggang walo.
01:02Bahagi rin ang batas ang pagtiyak ng serbisyo para sa mga bata na may kapansanan
01:06kasama na ang maagang intervention at inclusive education.
01:10Kasama sa ipinatutupad na sistema ang malawakang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno
01:14at mga lokal na pamahalaan upang maipatupad ito sa buong bansa.
01:18Pinuri naman ni Senate Committee on Basic Education at sponsor ng batas na si Sen. Sherwin Gatchalian
01:24ang hakbang na ito ng Pangulo.
01:26Ipinunto niya na dapat mabigyan ang pansin ng pundasyon ng kabataan lalo na sa murang edad
01:30dahil dito anya nakasalalay ang kanilang pagkatuto.
01:34Ikinalugod din ang 2nd Congressional Commission on Education ng Batas
01:37lalot inilalagay nito sa tamang direksyon ang sistema ng edukasyon
01:41upang matugunan ang ugat ng hindi marunong bumasa
01:44at sumulat sa pamamagitan ng pagtutok sa nutrisyon at edukasyon sa murang edad.
01:49Lumalabas daw kasi sa pag-aaral na matutugunan ang ilang problema
01:52gaya ng dropout rates at mapapalakas ang literacy rates
01:55kung tutugunan ang foundation years ng mga bata.
01:58Kenneth Pasyente
02:00Para sa Pambansang TV
02:02Sa Bagong Pilipinas
02:04Sa Bagong Pilipinas