00:00Mahigpit din na nagbantay ang mga otoridad sa seguridad sa cyberspace.
00:05Sa katunayan, mas mababa umano ang naitalang election-related cybercrime ngayon,
00:11kung saan karamihan ay disinformation at vote buying.
00:15Si Vel Custodio sa Sentro ng Balita.
00:19Mababa ang naitalang insidente ng election-related cybercrime sa mismo araw ng halalan.
00:25Batay sa Cybercrime Investigation and Coordination Center o CICC Incident Monitoring System,
00:31bagamat mataas ang incident trend mula May 5 hanggang May 11,
00:36kung saan pinakamaraming naitalang cybercrime incidents noong May 11
00:39o isang araw bagong eleksyon sa mahigit 250 incidents,
00:44hindi naman tataas sa 200 ng naitalang cybercrime incident na may kinalaman sa eleksyon kahapon.
00:50Maganda naman nung kinalabasan natin ng pagbantay natin,
00:53naging effective ho yung campaign natin, naging disinformation.
00:56Mabilis din ho ang tugon ng Comelec sa pagdidebunk ng mga maraming disinformation na lumabas ho
01:02regarding mga disqualified candidates.
01:04Kunyari...
01:04Sa panayam ng PTB sa CICC at DICT,
01:08sinabi na posibleng pa rin mag-peak ang incident trend ngayong araw
01:11dahil sa proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa halalan.
01:151,142 na ang incident record simula May 5 hanggang pasado alas 3 ng umaga ngayong araw.
01:22Karamihan dito ay mga na-monitor o na-i-report na disinformation at vote-vying.
01:28Mabilis din na umaaksyon ng meta, Google at iba pang partner social media sites
01:32sa pag-i-take down ng mga maling impormasyon patungkol sa halalan.
01:36Hindi naman matatapos sa eleksyon ang pagtutok ng Department of Information and Communications Technology
01:42sa pagbabantay sa cyber security.
01:44Tuloy-tuloy na ito kasi alam nyo naman, after this, meron tayo nung BARM.
01:51Then after nung BARM, magpre-prepare kami for the other activities that are coming like ASEAN in 2026.
01:58So tulad na nabanggit ko kanina, maganda yung teamwork ba ngayon?
02:04At saka dalawa yan, private and public eh.
02:07Yung mga platforms, nakiki-cooperate with the authorities.
02:11So malamang itutuloy-tuloy na natin ito hanggang kaya, hanggang may fake news dyan.
02:17Nandito kami para i-take down sila.
02:19Katuwang ng CICC at DICT ang PNP Anti-Cyber Crime Group
02:23sa pagbabantay at paghuli ng mga nagpapakalat ng maling impormasyon online
02:28o anumang uri ng cybercrimes.
02:31Kaugnay nito, tukoy na at nag-uusapan na ng mga naturang ahensya
02:34ang proseso ng paghuli sa nagpost ng online bomb threat sa opisina ng Commission on Elections.
02:41Vel Custodio, para sa Pambadsang TV sa Bagong Pilipinas.