00:00...unaga, hindi patawas ang pag-canvas ng mga boto sa probinsya ng Abra.
00:04Live si Jonathan Andal. Jonathan!
00:10Igan, sa mga oras neto ay wala pang pinoproklama dito sa probinsya ng Abra
00:14kasi meron pang inaantay na tatlong bayan na hindi pa nakakapag-transmit ng boto.
00:20Pero sa ganyan paman, may pumapasok po, gaya po sa nakikita niyo sa likod ko,
00:24may pumapasok na na 86% ng inaantay na boto ay nakapasok na dito sa Provincial Canvassing Center.
00:31Doon sa mga presinto na inaantay, 91% na po ng mga presinto ang nakapag-transmit na rin ng kanilang mga boto.
00:39Kaya sa mga oras po na ito, meron na tayong nakikita ang nakaambang manalo sa provincial-level positions.
00:46Bata po sa partial and official tally na mula sa Comelec media server,
00:50As of 7.31am, sa pagkagobernador, nakaambang manalo ang kapatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin na si Takit Bersamin.
01:00Meron po siyang 118,148 votes as of 7.31am.
01:07Ang kalaban niyang si Kiko Bernos ay merong 29,890 votes.
01:12Sa pagka-vice governor, nakambang manalo si Ann Bersamin na sa ngayon po ay merong 115,446 votes.
01:21Ang kalaban niyang si Joy Bernos ay merong 30,998 votes.
01:28Sa loan district naman ng ABRA para sa House of Representatives,
01:31nakambang manalo si J.B. Bernos na merong 124,313 votes.
01:38Ang kanyang kalaban na si Mila Valera ay may 19,982 votes.
01:43At ang isa pang kalaban nila na si Day Day Ifurong ay may 1,132 votes.
01:50Iga na nagiging problema doon sa tatlong bayan na hindi pa nakakapag-transmit ng boto,
01:55eh yung layo ng ibang mga presinto.
01:58Halimbawa, ang tatlong bayan po na wala pang natatransmit na boto rito ay Peñarubya, Tineg at Lakub.
02:04Doon sa Tineg at sa Lakub, may mga presinto na malayo, kaya kailangan ibiyahe yung mga ACM at balota,
02:14papunta doon sa sentro, sa poblasyon, kasi nandun yung Starlink na gagamitin nila para makapag-transmit ng boto.
02:21Doon naman po sa Tineg, may mga presinto na sa sobrang layo,
02:25kailangan mo raw maglakad nang inaabot pa ng dalawang araw para marating yung presinto na yun.
02:31So ang gagawin ng mga otoridad para po makapag-transmit ng boto,
02:35i-airlift yung ACM at yung balota mula doon sa barangay na nasa bundok,
02:41papunta sa poblasyon o doon sa sentro ng bayan ng Tineg,
02:44kung nasaan yung Starlink para doon sila makakapag-transmit ng boto.
02:48So tatlong bayan ang inaantay natin ngayon, Peñarubya, Tineg at Lakub.
02:53At isa rin sa gusto nating malaman, kamusta yung voter turnout dito sa ABRA?
02:58Kasi po sa mga nakaraang eleksyon, laging lagpas sa 80% yung voter turnout dito.
03:04Ibig sabihin, masipag yung mga taga-ABRA na bumoto.
03:07Walo sa kada sampung abrenyo ang laging bumoboto tuwing eleksyon.
03:12So gusto nating malaman, ngayong eleksyon, kung ganoon pa rin,
03:15mataas pa rin ba yung voter turnout dito sa probinsya ng ABRA?
03:19Yung muna ang latest mula rito sa Bayan ng Banguet.
03:21Ako po si Jonathan Andal.
03:23Para sa GMA Integrated News, dapat totoo sa eleksyon 2025.
03:27Maraming salamat, Jonathan.
Comments