Skip to playerSkip to main content
Canvassing sa Taguig City, sinuspinde; Magbabalik mamayang 11:00 AM.


Para sa partial unofficial results ng #Eleksyon2025, magtungo sa www.eleksyon2025.ph


Panoorin ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!  


WATCH: https://youtu.be/r3TGnPhyU5Y

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Nandito na tayo sa Taguig Convention Center na itinalagang canvassing area dito sa syudad ng Commission on Elections.
00:09At as of this time, nasa 96.90% na ang na-canvass na voting results.
00:15Ibig sabihin, 3.10% na lang ang kulang para ito ay makumpleto.
00:21Katumbas yan ng 24 na presinto na lang.
00:24Out of the total 773 na bilang ng mga presinto, ay 749 na yung nakuhanan ng voting results.
00:33Maris, itong Taguig City ang naging ikaanim na vote-rich city o yung syudad na may pinakamaraming butante sa bansa.
00:41At kasunod yan ng paglipat ng 10 embo barangay mula sa Makati.
00:45At kasunod din yan ay lumobo yung populasyon na dito sa syudad na ito na nasa 1.2 million na ngayon.
00:53At yung mga bilang ng mga butante ay mula sa 449,000 noong 2022, higit doble yan.
01:00Ngayon at nasa kasalukuyang 680,000.
01:04Maris, meron tayo na kung ang impormasyon na around 1 a.m. kanina nung magsimulang magsiuwian yung mga tao dito sa Taguig Convention Center.
01:11At ito unofficial pero around 11 a.m. daw ngayong umaga.
01:15Umamayang umaga, inaasahan na posibleng babalik o magre-resume yung pag-canvas dito sa Taguig Convention Center.
01:23Yan muna ang latest mula rito sa Taguig City, EJ Gomez na GMA Integrated News.
01:28Dapat totoo ngayong eleksyon 2025.
01:31EJ, si Sandra to, meron ka bang impormasyon kung bakit nila sunuspende?
01:36Kasi sa ibang cities tuloy-tuloy lang hanggang mag-proclama sila.
01:39Maris, kanina meron tayong ilang mga miembro ng team natin na nauna dito.
01:47Ang nakuha nilang information ay meron daw naging problema doon sa pag-transmit ng mga natitirang voting results.
01:56Yan yung 3.10%.
01:57Actually, yung natitirang 3.10% na yan.
02:00As of past 10 p.m. pa yan eh.
02:02So ngayon na nakarating na yung talagang team natin kami, no?
02:05Same pa rin yung datos na yan.
02:073.10% hanggang ngayon.
02:10At yun yung nakuha nating rason kung bakit hindi pa nakukompleto yung kabuoang results dito sa Taguig City.
02:17At yun nga, inaasahan na around 11 a.m.
02:21Pero actually, hindi yun sure, no?
02:22Unofficial yun.
02:23Inuulit po natin yung inaasahang pagbabalik o pag-resume ng pag-canvas dito sa syudad.
02:28Sandra?
02:29Nakikita natin ngayon eh yung resulta dyan, no?
02:32Number one, si Cayetano.
02:35Number two, si Rafika.
02:37At si Liko Dine.
02:39So sa mga pagko-cover mo dyan, yung mga taong nakakausap mo dyan,
02:47gaano ka tindi yung naging labanan dyan sa Taguig, EJ?
02:54Naku, kanina meron tayong, mangilan-gilan na lang, no?
02:57Kasi hindi na natin naabutan yung talagang dagsa o dami ng tao dito.
03:01Kasi nga around 1 a.m. nagsimulang magsialisan yung mga tao.
03:05Nakarating tayo dito, ano, no?
03:06Mga mag-aalas-dos na.
03:09Mga ilang-ilang nila nila nakausap natin pero nakita talaga natin na wala sila sa ibat-ibang partido o ibat-ibang mga kandidato.
03:17So from there, no, we can actually see na talagang puyat at nagaantay sila,
03:22nagaabang dun sa mga magiging resulta na mga pinaglalaban nilang kandidato.
03:27Sandra, abangan natin yan, although nakikita nga natin na medyo malaki yung lamang nung nangunguna pero hindi pa naman tapos, ika nga, EJ?
03:38Maraming salamat sa iyo, EJ Gomez.
03:42Alright, humingi rin po tayo ng updates sa Pasig na ikawalo sa mga vote-rich cities sa buong Pilipinas.
03:48At nakabantay roon si Nico Wahen.
03:49Ako Nico, dyan ako galing kahapon, kumusta na ang bilangan dyan sa Pasig?
03:58Maris, magandang umaga.
04:00Ito medyo nag-usad pagong bahagya dahil may ibang mga ACMs na hindi nga nag-transmit electronically
04:11at kailangan na yung manual ng dalhin dito at dito na i-transmit.
04:15516 out of 519 na mga presinto pa lang yung mga nakapag-transmit.
04:22Medyo malapit na yun, Marisa, pero kasi kanina pa tayong 10.30, nasa 90% na yung natatransmit electronically
04:30or lahat ng boto na dinadala dito, nasa 90% na 10.30 pa lang.
04:35Pero anong oras na ba kayo?
04:36Nasa 3.30 na?
04:39Tama ba?
04:40Magti-3.30 na pero 99.42% dahil may iba nga na hindi nakapag-transmit manually
04:48dahil walang signal kanina nga mga bandang bago maghating gabi hanggang magmamadaling araw.
04:55So ang ginawa, ang inutos nitong si Atty. Felton Sadang ay dali na lang dito sa canvassing area
05:00para manual na ilagay or kunin yung memory card ng ACM para dito na manual na i-transmit yung mga boto.
05:09So tapos yung tatlong na natitira ngayon, may dalawa nang dumating.
05:12So isa na lang talaga yung hinihintay.
05:15So yung dalawa ang dumating diretso kanina dun sa stage, Marisa, para manually i-transmit yung mga boto.
05:22Yung isa, ang nangyari daw ay kailangang i-rezero.
05:26Kumbaga, nag-close voting na pero kailangang buksan ulit dahil may mga nakalimutan
05:31na i-feed ng mga balota mula pa doon sa mga PPP o yung mga priority polling present.
05:38Yung mga nauna ng mga bumoto kanina umaga, yung mga PWD, yung mga buntis at yung mga senior citizen.
05:45Nakaligtaan daw, pag-amin ni Atty. Sadang, human error na hindi nakita ka agad.
05:50Kumbaga, isinantabi muna, yung mga electoral board kasi daw natin,
05:54pag may dumadating ng mga balota mula doon sa mga PPP,
05:58pwede naman nilang ilagay na lahat agad pagkarating ng mga balota,
06:03ang kaso lang na ongoing yung voting ng mga regular na botante.
06:07So isinantabi muna hanggang sa nakalimutan, nag-close voting,
06:11pero dahil hindi mo na mabubukas yun at mag-continuous lang yung boto,
06:15kailangan daw i-rezero. Kaya in-refeed yung nasa 6 na raang mga balota
06:22na una nang inalagay doon sa mga ACM para mailagay din yung mga nakaligtaan
06:28na mga balota na mga PPP.
06:31So yun yung hinihintay natin ngayon, yung kaninang huling uusap natin
06:34kay Atty. Felton Sadang, nasa 50 to 60 na mga balota na lang yung kailangan i-feed.
06:40Kaya ayun na lang, 99.42% plus yung dalawa na yun, medyo tataas pa yan.
06:47So yung huling mga pinifeed na balota, yun na lang yung hinihintay natin, Maris.
06:52Mula rito sa Pasig City, ako si Nico Wain ng GMA Integrated News para sa eleksyon 2025.
06:58Oo, curious lang ako, Nico. Inami naman ng mga nakakaligta doon sa pag-feed
07:08doon sa mga balota ng mga vulnerable sector.
07:13Ano ba nangyari doon? Naigilid? Nasan ba yun?
07:17At saka sigurado bang yun lang yung mga nakalimutan na i-feed doon sa ACM?
07:24Ayon kay Atty. Sadang Maris, ganun na nga ang nangyari.
07:31Naigilid hanggang sa nakalimutan na tapos nag-close voting na.
07:36Eh, hindi mabibilang yun eh kapag hindi natin ipinasok doon sa ACM.
07:40Pero hindi rin siya maipapasok kapag naka-close voting na.
07:44So kailangan daw talagang i-rezero at ulitin na lang yung 600 balota na i-refeed doon sa ACM natin.
07:54Para may isama rin yung mga PPP na iyon.
07:56Nag-sorry naman daw talagang human error daw talaga ang nangyari.
07:58Siguro, sa tinding pagod na rin ano.
08:01Kasi kahapon dyan sa Pasig, sa isang eskwelahan pa lang ako,
08:04naku, napaka-init, nakakadagdag talaga sa pagpapahirap.
08:08Yung tindi ng init.
08:10Tapos of course, alam naman natin na mga electoral board, yung mga guru natin eh talagang puyatan din yan.
08:17Pero gano'n ba katagal ang magiging delay sa proseso?
08:23Ngayong kailangan nilang i-rezero o i-refeed nga itong mga balota na ito sa ACM.
08:30At masiguro na talagang lahat eh na bilang.
08:34Nico.
08:34Kanina, Maris, ang bilang nilang daw ng kailangang i-refeed na balota ay nasa 50 to 60 na lang mula dun sa mahigit 6 na raan.
08:48Medyo marami-rami yun, Maris.
08:49Iba pa kapag ayaw tanggapin ng mga iba pa nga balota, ibang tagal pa yun.
08:56So, sa ngayon, inaasahan na bago mag-alas 4, darating na rin itong kaisa-isang presinto na hinihintay na lang para mag-100% na ang transmisyon dito sa Pasig City.
09:08Nico, alam naman natin na talagang kailangan hintayin lahat.
09:12Pero so far, sa nakikita natin, malayo-layo na rin talaga yung lamang.
09:15Itong si Soto, kumpara dun sa sumunod sa kanya at sa pangatlot, pangapat pa, eh talagang medyo malayong-malayo na.
09:23Meron ba tayo naririnig? Mga anong oras ang proklamasyon magaganap dyan sa Pasig?
09:34Maris, medyo gusto kasi ni Atty. Felton Sadang at ng iba pang City Board of Canvassers na ubusin na lang talaga yung mga ACM.
09:43Kanina, meron ang nagmanifest ng motion for early proclamation itong kampo ni Congressman Romana Romulo
09:52para, kasi nga, malaki na yung kalamangan nila at saka ng iba pang mga nanalo, eh.
09:57Ang kaso, ang nagiging rules daw kasi, o yung proseso, kailangan pang ipaalam yun sa kumileknismo para aprobahan.
10:06Eh, baka daw mas tumagal pa ang proseso kapag nagpaalam at maaprobahan kesa dun sa paghihintay ng ACM.
10:13So, hindi lang natin alam kung talagang ipinaalam na.
10:19Kasi, direct deny kanina, eh, nung naggaroon ng manifest of motion, eh, dito sa kampo ni Congressman Romulo.
10:28So, anong nangyari, talagang hinintay na lang yung ACM.
10:31Hindi natin alam kung ano mas matagal talaga kung nagpaalam muna para maaprobahan o itong paghihintay ng ACM.
10:37Pero ngayon, 3.30, hindi pa tayo natatapos.
10:40Pero iisa na lang naman, maghihintay na lang daw.
10:43At lahat naman yan, matsaga nagihintay.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended