Skip to playerSkip to main content
  • 6 months ago
Mga nanalong local officials sa Dagupan City, naiproklama na.


Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!


WATCH: https://youtu.be/r3TGnPhyU5Y

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

šŸ“ŗ
TV
Transcript
00:00Update naman tayo sa Dagupan City. Mag-uulat si CJ Turida ng GMA Regional TV.
00:06So CJ, kumusta na? Pahingi naman ang update mula sa Dagupan.
00:14Good morning Ms. Maki. Alas 12.42 kanina ang iproklama ang mga winning candidates dito sa lungsod ng Dagupan sa lalawigan ng Pangasinan.
00:26Unang iproklama ang mga nanalong miyembro ng City Council o Sangguniang Panlungsod na si Michael Fernandez.
00:37Number 2, si Atty. Joey Tamayo. Number 3, si Tala Paras. Number 4, Jig Cine. Number 5, Carlos Reyna.
00:46Danny Canto ang number 6, number 7, si Chito Samson. Number 8, Marvin Fabia. Number 9, Dokjaja Kayabyab.
00:56At number 10, si Dada Reyna.
01:00Sunod na iproklama ang winning vice mayor na si Brian Cuwa na nakakuha ng 65,765 votes.
01:11At ang nanalong alkalde sa ikalawang pagkakataon o ikalawang termino, si Mayor Belen Fernandez na nakakuha ng 81,977 votes.
01:21Mismong mga miyembro ng City Board of Canva Search ang nagproklama sa mga kandidato.
01:27Nasa session hall din kanina ang mga taga-suporta ng bawat kandidato na nagbunyi sa tagumpay ng kanilang mga kandidato.
01:35Dumalo rin sa proklamasyon ang kaalyado ni Mayor Belen Fernandez na si Pangasinan 4th District Representative Toff de Venezia
01:43at si Manay Gina na wag rin sa kanyang kandidatura bilang kapalit ng kanyang anak sa ika-apat na distrito.
01:51Sa pakikipanayap ng GMA Regional TV kay Mayor Fernandez kanina, ipinabot niya ang kanyang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya.
02:01Ayon naman sa Comelec, naging matagumpay ang election 2025 dito sa lungsod ng dagupan.
02:07Matapos ang proklamasyon, sunod na isasagawa ang oath-taking ceremony na mga winning candidates sa mga susunod na araw.
02:16Maki yan ang pinakwaling ulat mula sa Dagupan City.
02:18Ako po si CJ Torida ng GMA Integrated News. Dapat totoo para sa election 2025.
02:25CJ, ang bilis ha. May proclamation na sa... What happened? Bakit ang bilis? May explanation ba sila na nakapag-proclaim na sa Dagupan?
02:37Mabilis ang pag-transmit ng mga election returns mula sa mga clustered per sink, Maki.
02:46Kaya mabilis din ang naging pag-canvas sa mga boto ng mga botante mula sa 31 lamang na barangay dito sa Dagupan City, Maki.
03:00So, CJ, yung sa Bakulod kasi talagang na-report din ni Adrian yung, ang hirap ba na sitwasyon ng mga guru natin na 24 oras ng gising para magsilbi sa election na ito.
03:14Kumusta dyan sa Dagupan? Yung mga teachers natin. Sana naman nakauwi na rin yung iba. Tutal may proclamation na.
03:20Yes, yes, yes. Actually, ang last na dating ng election return kanina dito sa City Board of Conversors ay mula sa barangay 1.
03:36Kasi naging manual transmission na eh. Yung pagdadala ng election return mula sa polling per sink.
03:45Kasi umulan kanina dito ng napakalakas, medyo may epekto na kidlatan yata yung isang makina doon.
03:54Kaya hindi na-transmit yung election return. Kaya manual na dinala rito sa City Board of Conversors yung galing sa presinto ng barangay 1.
04:09Okay, maraming salamat. CJ Turida ng GMA Regional TV.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended