Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2025
Anumang oras sa ating balitaan ay papasok na ang bilang ng mga boto, pero bago ‘yan nabalot na ng tensyon ang maraming lugar. Sa Lanao del Sur may giriang inawat sa pamamagitan ng warning shot. May magkapatid ding patay sa magkahiwalay na pamamaril at isa pang patay sa pananaksak. Sa Marawi naman, bukod sa nagpang-abot na supporter ng dalawang mayoral candidate, may nagbuhos ng tubig sa automated counting machine.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Gabi ng eleksyon, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:12Anumang oras sa ating balitaan, ay papasok na ang bilang ng mga buto.
00:17Pero bago yan, nabalot na ng tensyon ang maraming lugar.
00:22Sa Lanao del Sur, may giriang inawat sa pamamagitan ng warning shot.
00:26May magkapatid ding patay sa iwalay na paumaril at isa pang patay sa paranaksak.
00:32Sa Marawi naman, bukod sa nagpang-abot na supporter ng dalawang mayoral candidate,
00:37may nagbuhos ng tubig sa automated counting machine.
00:41At live gula sa Lanao del Sur, nakatutok si Chino Gaston.
00:45Chino.
00:46Mel, Vicky, Emil, tatlo ang patay sa election-related violence dito sa lalawigan ng Lanao del Sur
00:57at patuloy na nananaig ang tensyon sa ilang bayan ilang minuto na lang bago matapos ang butohan.
01:03Sunod-sunod na warning shot ang pinaputok na mga tauhan ng Philippine Army sa Pauling Precinct
01:16sa bayan ng Bwadi Puso Buntong sa Lanao del Sur
01:19para mapaghiwalay ang mga nagigiriang supporter ng mga kandidato.
01:23Kahit inaawat na, di pa rin nagpatinag ang ilan at patuloy sa panghahamon ng away.
01:39Sa barangay sa Gongsongan sa Marawi City, ito naman ang eksena ilang minuto lang matapos buksan ang butohan.
01:49Nagpang-abot ang mga Paul Watcher ng mga magkatunggalik sa mayor ng lungsod.
01:53Agad nakapasok ang mga sundalo ng Task Force Marawi at PNP para paghiwalayin ang mga nagiinit na supporter.
02:00Kwento ng isa sa mga supporter, ang kabilang kampo ang nagsimulaan nila ng gulo.
02:05Pasado alas 7, sumugod naman ang mga polis sa katabing voting precinct
02:09matapos buhusan ng tubig ng isang Paul Watcher ang automatic counting machine
02:13kaya ito'y nasira at kailangang palitan.
02:15Anong ginawa sir? Mineral water?
02:19Saan ang magigyan?
02:21Pamigil yung machine?
02:23Hindi kasi maka-close.
02:26Pan-verification, totoo nga po nang binuhusan ng tubig yung PCM machine.
02:31And that resulted na damage na po siya. Hindi na po siya nagpa-function.
02:36Then at the same time, tumakas na po yung ano, tumakas.
02:39Babae kasi yun, sorry.
02:40Then they disclose watchers pala siya.
02:48Ilang minuto rin, naantala ang botohan.
02:52Pagdating ng tanghali, nabalot na naman ang tensyon ng halos magpangabot ang mga supporter ng dalawang magkatunggali sa pagka-mayor ng lungsod ng Marawi.
03:00Mabudit na awat at napaghiwalay sila na mga tauhan ng Task Force Marawi at Police Special Action Force.
03:07Away tungkol sa dami umano ng pinapapasok na watcher sa mga presinto ang ugat ng di pagkakaunawaan.
03:14Samantala, isang supporter naman sa bayan ng Maging ang pinagsasaksak ng di kilalang salarin dahil sa alitan ng mga supporter ng pagka-mayor.
03:22Ginilalang nasawi na si Arafat Haron Iskak, patuloy na pinaghahanap ang sospek.
03:28Dalawa naman ang nasawi sa pamamaril sa bayan ng bayang kaninang alas 7.30 ng umaga.
03:33Ginilalang mga nasawi na sina Afgane Tahabait, 38 anyos at kapatid nitong Walid Tahabait, 35 anyos.
03:44Takong alas sa 4.30 naman ay biglang dumami ang mga supporters ng isang mayorality candidate sa labas ng polling precincts sa barangay sa Gungsongan
04:01at agad naman silang naharang ng PNP Special Action Force.
04:04Pero ayon sa kanila ay naroon lamang daw sila para protektahan ang boto ng kanilang sinusuportang kandidato bago ito dalhin sa provincial capital.
04:14Para gawin ang canvassing.
04:17At VK, mula dito sa Marawi City, ako si Chino Gaston, nakatutok 24 oras para sa eleksyon 2025.
04:24Maraming salamat at ingat kayo, Chino Gaston.
04:26Maraming salamat at ingat kayo, Chino Gaston.

Recommended