Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2025
JUST IN: Vice President Sara Duterte, bumoboto na sa Daniel R. Aguinaldo National High School.


Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025: https://ow.ly/HHki50VQFxi

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Ayan, Profesor, nakikita na po natin ngayon si Vice President Sara Duterte, dumating na rin sa voting precinct.
00:08So, tuloy lang yung pag-talakay natin. This election, not midterm, mas personal at emotional, Profesor.
00:17Tama. Oo. Tinignan natin yan. Kasi nga, yung mga Pilipino, sa tingin ko, yung election is more and more an expression
00:24ng kanilang, anumang emosyon yung nararamdaman nila. Ngunit, hindi lang nila nararamdaman yung personally,
00:31marahil nakaka-relate sila o ipaparating ng mga kandidato. Yung emosyon ng mga kandidato,
00:38tapos medyo pag nakaka-relate sila, nadadala nila yun sa kanilang desisyon sa pagboto.
00:45Itong eleksyon na ito, maraming yung emosyon ng loyalty at betrayal, pwede natin sabihin.
00:51Profesor, ito nakikita natin. Si Vice President Sara Duterte, nandyan siya ngayon sa Davao City
00:57at doon ang kanyang polling precinct. Ayan, chinecheck na niya ang kanyang precinct number
01:03dito sa listahan. At anytime now, buboto na itong ating pangalawang pangulo dito sa Davao City
01:12kung saan siya dating namuno bilang mayor.
01:15So, ito na nga tulad ng sinasabi niyo, Professor, yung looming impeachment crisis
01:24na nakikita natin, yung senatorial contest will be sort of like a referendum, right?
01:31Oo. Tsaka kay Sara Duterte, napaka-importante nitong senatorial elections na ito.
01:36I think her own political survival is at stake. Dahil alam natin, yung kalhati ng iboboto
01:44ng mga kababayan natin, yun ang uupo bilang Senate impeachment trial.
01:50At kahit two-thirds pa yung kailangan, more than two-thirds to convict,
01:57at alam natin na siya mismo nagsabi na political process yung impeachment,
02:00kailangan ma-assure na, for her, kung interest niya yung pag-uusapan,
02:06na ma-acquit siya sa impeachment na ito.
02:09Because yung likely na outcome, hindi na siya magiging vice-presidente,
02:16but yung possible na perpetual disqualification,
02:20I think yun yung mas maikting na kailangan bantayan.
02:23Kasi as vice-president, wala naman talaga siyang trabaho kundi maging constitutional successor.
02:29At ngunit yung perpetual disqualification, kasi alam naman natin na isa siya sa,
02:35in fact, sa ngayon, pinakamalakas na contender sa 2028 presidential elections,
02:41ayon sa surveys.
02:42Pero nag-bature da ba ang butante?
02:44Gayong sa paliwanag mga, parang more on family feud, no?
02:48Yung nakikita nating batayan ng kanilang desisyon?
02:52Igan, sa buong asya tayo yung may pinakamatagal na karanasan sa eleksyon.
02:58At supposedly dapat habang tumatagal tayo sa ganitong proseso,
03:04may voting maturity, no?
03:06Ngunit sa kasawiang palad, sa mga pag-aaral natin,
03:11wala pa tayo doon.
03:12At kung titignan natin yung mga binoboto ng mga tao,
03:16kumpara na lang natin yung Senado noong dekada 70, dekada 80,
03:20ibang-iba yung kalidad, no?
03:24At sa tingin ko dahil mismo yung mga politiko natin,
03:30hindi inaangat yung standards, no?
03:33Sa tingin ko, important, hindi sila nag-oorganisa bilang mga lehitimong
03:36at organisadong political parties.
03:40Hindi usapan yung plataforma, hindi usapan yung mga issues,
03:43kundi celebrity, dinastiya, at popularidad, no?
03:49Pero, tama.
03:50Oo, Prof. Sorry, Vicky.
03:53Nabanggit natin na parang hindi nagmamature yung ating electorate, no?
03:59Pero sa isang banda, meron din naman mga sumusubok
04:03na pag-usapan yung mga plataforma.
04:06Bakit di sila nananalo?
04:07Kung sinasabi natin, dapat yun ay isang superior way of running
04:13at sila ay mas mainam na kandidato kung pinag-usapan nila yung mga issues.
04:17Right. Totoo yun, Atom, no?
04:18Hindi naman sa dahil walang ibang mapagpilian, no?
04:22Merong mga nangangahas na baguhin yung kultura
04:26ng political competition sa Pilipinas.
04:29Ngunit, masyadong dehado yung, nadedehado sila yung sistema.
04:35Alam natin na isang malaking development,
04:38nagiging mahal yung pagtakbo.
04:41Okay.
04:41Nakita natin yung ibang spending in the billions of pesos.
04:45So, kung ikaw ang dala mo lang, eh, kompetensya at track record,
04:48how can you match?
04:49Billions of pesos na binubuhos ng isang politiko na,
04:54ang isang senador, ang sweldo lamang, 250,000 a month.
04:56Ay, di ba, babawiin.
04:58Kung paano, paano yun? Donation na lang yun?
05:01Professor, marami pa tayong pag-uusapan.
05:03Gusto ko pag-uusapan yung party list.
05:05Kung naabuso ba ang sistema nito,
05:06tsaka yung survey, no?
05:08Anong benefit sa atin ng mga survey?
05:11Gusto ko pag-uusapan yan, Mamia.
05:12But in the meantime, tawagin po natin si Marisol Abduramaang.
05:16Marisol.
05:17Vicky, yes, sa mga oras na ito,
05:19ay kasalukuyang ng pumuboto si Vice President Sara Duterte.
05:23Pagdating niya dito sa Don Daniel Aguinaldo National High School,
05:28ay agad siyang pumunta doon sa Waters Registration
05:30kung saan binerify niya ang kaanggistahan.
05:33At ang makakuha nga ng confirmation
05:35ay agad nang gumiretsyo ang Vice President
05:37sa assigned classroom or itong prison kung saan siya rin siya doon.
05:42Bagamat may mga fila,
05:44wala naman daw hiniling ang kanyang tanggapan,
05:46pero ikangay, she was afforded the courtesy of the Vice President
05:51kaya agad siyang pinadiretsyo sa loob
05:53at ongoing ang pagkas ng kanyang voto sa ngayon.
05:56Napakabinisa ng prosento, DT, no?
05:58Doon sa pag-verify ng kanyang pangalan sa Waters Registration List.
06:02Tapos nung ma-verify ito ng mga buro,
06:05ng mga ating Board of Elections inspectors,
06:07ay agad nang pinakas ng voto itong si DT.
06:10So ongoing, ang kanyang pag-voto medyo nakakagulo lang
06:13kasi siyempre na napakahipit ang siguridad.
06:15At siyempre, ang dami rin nakakagulo dito
06:17bukod sa atin na nagpo-cover
06:19ay napakadami rin ang mga ilang butante
06:21na gusto rin makita ang DT.
06:23So inaasahan natin, DT, no?
06:25na magiging mabilis na itong proseso.
06:27At kung mapapansin ninyo dyan sa ating live na kuha,
06:30normally nasa 20
06:31ang number of persons na nakakaboto at a given time,
06:34pero nilimit din ito sa 12 lang
06:36para hindi raw maging masyadong siksikan
06:39at may inape space ang mga boboto DT.
06:43So after ito, magkakaroon,
06:46we believe DT as per schedule na binigay sa ating kinina,
06:49magpapa-unlock ng panayam.
06:51Itong si Vice President Duterte,
06:52matapos siyang bumoto.
06:54Kasama niya ang kanyang asawa na si
06:56Ataliman Scarpio na sa loob din.
06:59And we believe, although I cannot see him really directly
07:02kung nagkakasing siya ng kanyang vote,
07:03pero sabay niyang dumating dito kanina
07:05at yun, ongoing ang kanilang pagboto.
07:08So, pagbibigay tayo ng update,
07:09Maya Maya Vicky, no?
07:11Singil pa rin sa mga kaganapan dito sa Davao City.
07:14Balik, Sir Vicky.
07:15Yes, Marisol, maraming salamat sa iyo, no?
07:17Ito nga si Sara Duterte nandun nga ngayon
07:20sa Daniel Aguinaldo National High School sa Davao City.
07:24Ang kanyang voting precinct
07:26at dito rin siya namuno bilang mayor
07:29ng dalawang termino, no?
07:30Mula 2010 hanggang 2013
07:32at muli mula 2016 hanggang 2022
07:36kung saan niya ipinagpatuloy ang mga programa
07:38ng kanyang ama
07:39at kabilang sa kanyang kampanya
07:41ang kontra-krimen
07:43at mga inisyatiba sa kalusugan at edukasyon.
07:46Noong 2022,
07:47nahalal siya bilang pangalawang pangulo
07:49no?
07:49ng Pilipinas sa ilalim ng Uniteam Alliance
07:51kasama nga ni Pangulong Bongbong Marcos
07:53pero nagkaroon ng hidwaan ang dalawa.
07:57Pinamunuan niya dati
07:58ang Department of Education
07:59hanggang sa nagbitiw siya noong 2024.
08:03At ngayon na nga
08:04nahaharap si Sara Duterte
08:05sa impeachment trial
08:06na nakatakdang simulan
08:08sa Julio 2025.

Recommended