00:00Dahil sa mahigpit na pagbabantay ng PNP Highway Patrol Group sa Bicol Region,
00:04may mga nahuhuli rin silang lumalabag sa anti-illegal logging.
00:08Si Paul Hapin ng Radio Pilipinas, Albay, para sa Balitang Pambansa.
00:15Paiigtingin pa ng PNP Highway Patrol Group ang pagbabantay sa Bicol Region
00:20para matiyak na magiging payapa at maayos ang papalapit na hatol ng bayan 2025.
00:25At dahil naka-full alert status na sila, hindi lang anti-carnapping at anti-criminality operations
00:32ang tututukan ng halos 70 tauhan ng Regional Highway Patrol Unit 5
00:37dahil may mga nahuhuli na rin lumalabag sa anti-illegal logging.
00:42Hopefully, maging orderly, peaceful and fair yung election natin.
00:47Kaya tayo patuloy yung ating anti-criminality, anti-carnapping operations along Maharlika Highway.
00:55So aside from these operations, kasama na dyan yung anti-smuggling, anti-illegal logging
01:01na may mga nahuhuli na kami.
01:03Titiyak ng HPG Bicol, may mga tauhan din silang itatalaga sa mga matataong lugar
01:08gaya ng bus terminal dahil inaasan ang pag-uwi ng mga kababayan natin dito sa Bicol
01:13para makaboto sa eleksyon sa lunes.
01:16Bukod dito, a-assistin rin sila sa mga motorista para maging maayos ang trapiko sa regyon.
01:21At para makaiwas sa disgrasya at road rage, may paalala ang HPG Bicol sa mga motorista.
01:26Magbao na rin po tayo ng maraming pasensya sa biyahe
01:30dahil para maiwasan po yung tinatawag na road rage, di ba?
01:34Yung simpleng pag-overspeed or speeding in itself is an early sign of road rage.
01:41Mula sa Radyo Pilipinas Albay, Paul Lapin para sa Balitang Pambansa.