00:00Nagbigay-pugay na rin ang ilang world leaders sa bagong leader ng Simbahang Katolika na si Pope Leo XIV.
00:07Kabilang sa kanila si U.S. President Donald Trump, malaking karangalan daw para sa Amerika na isang Amerikano ang bagong Santo Papa.
00:15Binati rin ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky si Pope Leo XIV.
00:20Umaasa si Zelensky na makatatanggap ng moral at spiritual support mula sa Vatican ang Ukraine
00:27sa layon nitong makamit ang hustisya at kapayapaan.
00:31Nagpaabot din ang pagbati si Russian President Vladimir Putin sa bagong Santo Papa.
00:36Umaasa si Putin na magpapatuloy ang magandang ugnayan ng Russia at Vatican.
00:41Para kay United Kingdom Prime Minister Keir Starmer,
00:44isang napakahalagang pangyayari ang pagkaka-elek sa bagong Santo Papa sa mga Katoliko at sa buong mundo.
00:51Looking forward din si Starmer na makilala si Pope Leo XIV.
00:55Sabi naman ni Italian Prime Minister Giorgia Meloni,
00:58ang mga pahayag ni Pope Leo XIV ay isang panawagan para sa kapayapaan, pagkakaisa at responsibilidad.
01:07Gusto mo bang mauna sa mga balita?
01:10Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
01:25Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa GMA.
Comments