00:00Mga kapuso, dalawang low-pressure area na po ang minomonitor ngayon sa paligid ng bansa.
00:10Una riyan ang LPA na ilang araw nagpaulan at huling namataan 415 kilometers, kanluran ng Abukay-Bataan.
00:19Ayon po sa pag-asa, papalayo naman yan at wala ng epekto sa bansa.
00:23Ang isa pang LPA ay nasa 190 kilometers east-northeast ng Borongan Eastern Samar.
00:31Sa ngayon, mababa ang tiyansa nitong maging bagyo pero mararanasan na ang direktang epekto sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
00:39Easterlies naman ang patuloy na makakaapekto sa natitilang bahagi ng bansa.
00:43Base po sa datos ng Metro Weather, umaga pa lang may pag-ulan na sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
00:50Magtutuloy-tuloy ang mataas na tiyansa ng ulan hanggang hapon at gabi at meron na rin sa ilang bahagi ng Northern at Central Luzon.
00:59Maging handa po ha sa Bantanambaha o landslide, kahit napapadalas na ang thunderstorms sa pagpasok ng Mayo,
01:06ramdam pa rin ang mainit at maalinsangang panahon.
01:10Bukas, danger level na aabot sa 42 hanggang 44 degrees Celsius ang inaasahan sa labing siyam na lugar kasama na po ang Metro Manila.
01:21Pero kahit mainit, gaya po kagabi at kanina, e posibleng maulit ang pag-ulan bukas.
01:26Bukas!
Comments