00:00Magandang gabi Pilipinas, isang linggo bago ang eleksyon, sunod-sunod ang disqualification case na inihahain sa Commission on Elections.
00:11Pero kahit tambak ang petisyon sa komisyon, tiniyak nito ang pagiging handa sa Katol ng Payan 2025.
00:19Sa katunayan, bukas na ang uling araw ng deployment ng mga balota. Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:26Sa litratong ito, makikita ang isang SUV na may regular na plaka at may nakalagay na Good Governance Benguet na sticker sa mga pintuan.
00:38Sa isang tingin, walang kapunapuna rito. Pero kung tititigan, mapapansin na tinakpan pala ang pulang plaka nito at may nakalagay na magnetic sticker sa markang For Official Use Only.
00:51Dahil dito, sinampahan ng disqualification case ang isang tumatakbong kong resista sa Benguet na gumamit umanon ng sasakyan para sa kanyang pangangampanya.
01:01Batay sa petisyon, lumalabas na pang-a-abuso ng pondo ng bayan ang ginawa ng kandidato.
01:07Walang komento ang sinampahan ng reklamo. Pero si Comelec Chairman George Irwin Garcia, hindi anya magdadalawang isip na madiskwalipika ang ganitong uri ng kandidato kung totoo ang mga aligasyon.
01:19Maaaring yan ay sasakyan lamang ng barangay. O maaaring yan ay panghahakot ng basura. O maaaring yan ay ginagamit sa kung anuman ng mga barangay, ng mga LGU.
01:30Ay abuse of state resources po yan. Hindi naman para gamitin sa pamumulitikaya at pangangampanya. So again, nag-disqualify na po kami dati, hindi ba?
01:39Bukod sa Benguet, may iba pang disqualification case na sinampangayong araw sa Comelec. Meron din laban sa isang congressional candidate sa ika-apat na distrito ng Laguna dahil din sa vote-buying.
01:51Meron din namang nag-withdraw ng petisyon laban sa tumatakbong kongresista sa ikalawang distrito ng Laguna.
01:58Sa bilang ng Comelec, tinatayang na sa apat na raan na ang vote-buying cases na isinumite sa kanilang opisina.
02:05Kung manalo ang kandidatong may kaso, pwede silang hindi ma-proklama.
02:10Pinapakalap na natin sa opisina ng Clerk of the Commission ang mga tao ang may kasong disqualification.
02:17Pinapaanalyze na namin sa divisyon ng Comelec sino ang may mabibigat na ebidensya laban sa kanila upang mapag-aralan yung posibilidad na magsususpend ng proclamation sa mga kandidatong ito kung sakasakaling sila ay mananalo.
02:30Inaasahan naman ng Comelec, madaragdagan pa ito habang papalapit na ang halalan.
02:35Lalo na, isang linggo na lang ang bibilangin bago ang butuhan at limang araw na lang ang kampanyahan.
02:42Pero kahit inuulan sila ngayon ang petisyon, sabi ng Comelec, halos patapos na sila sa paghahanda para sa eleksyon.
02:49On time at walang palyat sa deployment ng automated counting machines, pati na rin sa final testing and sealing.
02:55So far, on time po tayo lahat sa ating mga ginagawa.
03:00Ang ACM ay halos na sa mga 98% na na-deliver ang ating mga ACM sapagkat kinakailangan po ito i-deliver ng ating mga election officer at sa mula sa ating hub, i-deliver ito sa mga local Comelec natin.
03:16Bukas, inaasahan naman na huling araw na ng deployment ng mga balota at dadalhin ito sa iba't ibang panig ng Metro Manila.
03:23Matapos nito, planchado na ang preparasyon para sa May 12.
03:27Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.