00:00Para matiyak na magiging mapayapa ang Hatol ng Bayan 2025,
00:03nagpadala ng karagdagang mga polis ang Police Regional Office 5 sa Masbate.
00:09Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Gary Carillo ng Radyo Pilipinas, Albay.
00:15Nagpadala ng karagdagang pwersa ang Police Regional Office 5 sa Masbate.
00:19Itinuturing kasi na priority area ang lalawigan
00:22dahil sa mga naitalang election-related incident sa mga nakaraang halalan.
00:27Pero paliwanag ng PRO 5, walang dapat ipangamba ang publiko
00:31dahil nais lamang nila na matiyak na magiging maayos at mapayapa ang Hatol ng Bayan 2025.
00:38Ating mga tropa na pupunta sa Masbate to augment the security forces natin doon,
00:46ang number one guidance natin is to serve with professionalism,
00:50to serve with integrity, and to protect the welfare of our people in Masbate.
00:58Dahil sa isang daang tauhan na ipinadala ng PRO 5,
01:01mababantayan na ng Masbate Police Provincial Office ang lahat ng barangay sa probinsya.
01:07Buko dito, mas matututukan din ang Masbate Police ang pagpapanatili ng kaayusan sa mga komunidad.
01:13Ang napakalaking tulong po kasi unang-una, yung pwersa ng Masbate Police Provincial Office
01:19hindi kaya i-cover lahat ng barangay para lagyan ng pulis during election.
01:24Isa yun po yung requirement sa atin na kailangan bawat barangay mayroon po nakadeploy na pulis.
01:29Pagtitiyak ng PRO 5, sumailalim sa oryentasyon at briefing ang mga pulis na idineploy nila sa lalawigan
01:36para sa mas maayos na servisyo publiko.
01:38Inaasahang ding magpapadala pa ng karagdagang pwersa ang PNP sa iba pang probinsya sa rehiyon sa mga darating na araw.
01:46Mula sa Radyo Pilipinas Albay, Gary Carl Carillo para sa Balitang Pambansa.
Comments