00:00Tiniyak ng Malacanang na sapat ang supply ng ibinibentang 20 pesos kada kilo ng bigas hanggang sa Desyembre ngayong taon.
00:07Pinag-aaralan na rin na isama ito sa national budget para sa susunod na taon.
00:11Yan at iba pa sa ulat ni Kenneth Pashel.
00:16Naging matagumpay ang paglulunsad ng 20 pesos na halaga ng bigas sa Visayas Region ayon sa Palacio.
00:22Pinabulaanan din nito ang diumanoy kakulangan ng supply ng ibinibentang 20 pesos na bigas,
00:27kaya hindi natuloy ang programa sa ilang lugar.
00:30Paliwanag ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro,
00:34bunsod ito nang hinihintay pang exemption mula sa COMELEC.
00:38Muli namang binigyang diin ng Malacanang na kayang suportahan o isustain ang programa hanggang Desyembre ngayong taon.
00:44Pinag-aaralan na rin daw na maisama sa national budget ang pondo nito para sa 2026.
00:49Iginiit naman ang palasyo na hindi makikialam si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:54sa preventive suspension na ipinataw kay Cebu Governor Gwendoline Garcia.
00:58Giit nito, hindi kailanman gagawin ng Pangulo na mangialam sa mga bagay na labas sa kanyang hurisdiksyon.
01:04Hindi maaantala ang butuhan sa Western Visayas sa harap ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.
01:11Ayon sa palasyo, tiniyak na mga kinaupulang ahensya ng gobyerno na makabuboto ang mga residente roon.
01:17Katunayan, nagkaroon na ng Memorandum of Agreement ang COMELEC at Office of the Civil Defense
01:21para ilatag ang mga kinakailangang hakbang na makasisuguro na hindi maaantala ang eleksyon doon.
01:28Titiyakin din na makabuboto ang mga kasalukuyang nasa evacuation centers.
01:33Kenneth Pasyente
01:34Para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas