00:00Karamihan ng mga botante ay susuporta sa mga kandidatong nagsusulong ng mga programang nagdibigay ng trabaho, siguridad at pagkain.
00:08Ito ang lumabas sa survey ng social weather stations na isinagawa noong April 11 hanggang 14,
00:13kung saan 93% ng mga Pilipino ang boboto sa kandidatong nagtutulak sa paglikha ng trabaho at pagpapaunlad ng agrikultura.
00:22Paliwanag ni Strat-based President Dindo Manhit, kahit may trabaho ang ilan, hindi pa rin sapat ng arawang kita para sa pamilya.
00:29Kasama rin sa mga issues sinusuportahan ng mga botante ay ang pagpapalakas ng healthcare system na nasa 91%,
00:36pagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa at OFW at may plataforma laban sa kahirapan at kagutuman.