00:00Tumatak ang Marawi Siege sa mga Pilipino na nangyari noong 2017.
00:04Isang memorial hub ang itinayo ng Lanao del Sur para mas maunawaan ng publiko ang mga pangyayari sa lungsod.
00:12Binigyan din natin ng pagkakataon na ma-explore ang nagagandahang turismo ng Lanao del Sur.
00:18Si Vina Araneta ng PTV Davao sa Detalye.
00:23Itong Enero ngayong taon, pinasinayaan ang details of Renault Tourism Hub sa barangay Saber, Marawi City.
00:29Makikita rito ang iconic na sarimanok na mga maranaw,
00:33ang panolong o kahoy na disenyo mula sa Royal House ng mga Sultan,
00:37at ang lakub o lalagyan ng tabako na nakapatong sa langkit o tradisyonal na tela.
00:42Pero mas agaw pansin sa museum ang memorial hub para sa nangyaring Marawi Siege noong 2017.
00:49Ang dalawang gador o jar ay gawa mula sa mga narecover na bala sa war zone.
00:55Nakadisplay din ang bahagi ng pader na mga nasirang bahay,
00:58kabilang na ang isang parte ng Danzalan College Foundation na inokupa ng mauti group.
01:03Makikita rin ang mapa at mga larawan ng siege.
01:07Ang memorial hub ay nakatakdang buksan sa publiko ngayong taon.
01:10This is actually being curated by the renowned Marian Pastor Roses.
01:17And then, ano siya, it showcases the remnants and the stories of the Marawi siege which has happened last May 2017.
01:29Upang personal na makita ng mga tawang epekto ng kaguluhan,
01:34nakaplanong i-preserve ang ilang nasirang mga bahay sa Ground Zero bilang bahagi ng lokal na turismo.
01:41Maliban dito, may dalawang historical markers din sa Marawi na itinayo ng National Historical Commission of the Philippines.
01:47Sikat din ang Marawi bilang kinaroroonan ng Mindanao State University o MSU,
01:54na isa sa top universities sa Pilipinas at buong Asia.
01:58At syempre, may mga magagandang produkto na suwak pang souvenir.
02:03Marami ang mabibili sa mahigit isang daang taon ng tindahan ni Sudais na minanapamula sa kanyang mga ninuno.
02:09May mga furniture na may tipay o shell, mga instrumentong pang musika at mga kasuotang hinabi sa kamay.
02:17Mayroon ding langkit na isinusuot ng mga Maranaw Royal Families.
02:22Malaman ng mga tao na ang product ng Maranaw ay walang katulad sa buong mundo kasi ito, mano-mano itong ginagawa namin.
02:32Ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Lanao del Sur, mas lalo pa nilang pauunla rin ang Marawi City.
02:38Magkaroon ng Mega Marawi or what you call Marawi will be bigger.
02:45Marawi will be bigger because parts of the other municipalities will be, parang Metro Marawi ang mangyayari.
02:52Sa ngayon, if you've seen, meron na tayong hotel na binibuild and then meron na tayong pure gold.
03:02So we're inviting local investors also to put up their own businesses.
03:06At kung mahilig ka sa adventure, pwede mong puntahan ang bayan ng pag-awayan na higit isang oras ang layo mula Marawi City.
03:15Mga 10 to 15 minutes ang lakad papunta sa Kababulutua Falls.
03:18Malinaw at malamig ang tubig dito, kaya siguradong maliligo ka.
03:24Potential tourism itong Kababulutua Falls, kaya pinag-aaralan na kung paano mas mapapadali ang pagpunta dito ng publiko
03:31para makita din nila yung napakagandang falls dito na wala sa Lake Dapao.
03:36At syempre, hindi pwedeng mawala sa listahan ang Lake Dapao at ang Lake Lanao,
03:40ang pinakamalaking lawa sa Mindanao at ikalawa sa buong Pilipinas.
03:44Tignan ang tanawin. Alam namin kung saan ang perfect spot para ma-appreciate ang ganda ng lawa.
03:52Nasa madamba ito. Kaya ano pang hinihintay nyo? Bumisita na sa Lanao del Sur.
03:58Vina Araneta para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.