00:00Pinuri ng ilang senador ang ginawang pag-aresto ng National Bureau of Investigation o NBI
00:05sa isang Chinese national na nahulihan ng IMSI o International Mobile Subscriber Identity Catcher
00:13malapit sa Commission on Elections.
00:16Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino,
00:18ang pag-aresto sa Chinese national na may IMSI sa loob ng sasakyan
00:23ay lalong pinalakas ang lumalabas sa pagdinig sa Senado
00:26na ang China Humano ay aktibong nag-ooperate para makialam sa hatol ng bayan 2025.
00:34Naniniwala ang senador na sa pagtutulungan ng pamahalaan,
00:37intelligence community at ng taong bayan,
00:39anumang masamang balak para makompromisa ang integridad
00:43at demokratikong proseso ay hindi magtatagumpay.