00:00Pinaalalahana ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr.
00:03ang mga nagsipagtapos sa Philippine National Police Academy o PNPA
00:07na maglingkod ng may integridad at tapat sa bayan.
00:11Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang pangunguna sa commencement exercises ng PNPA
00:15Sinaglawin Class of 2025 sa Silang Cavite.
00:19Ayon pa sa Pangulo, ang mga nagtapos sa PNPA ay ang sagisag ng liwanag
00:24na kailangan ng bayan at mga mamamayan.
00:27At hinikayat ang mga ito na iparamdam sa taong bayan ang kanilang presensya at ang presensya ng batas.
00:34Nakatanggap ng ilang parangal ang valediktoria na si Police Cadet Mark Joseph Vito
00:38na nagmula sa Oriental Mindoro.
00:41Kabilang dito ang Presidential Campilan Award, Journalism Campilan Award at Plac of Merit,
00:47ang Sinaglawin Class of 2025 ay ang unang batch na magiging fully commissioned
00:52bilang police lieutenants ng Philippine National Police.
00:55Alinsunod sa implementasyon ng Republic Act No. 11279
01:00na naglilipat sa PNPA sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng PNPA.