WATCH | "Stop being childish. Ito ba ay part ng kanyang paghihiganti sa pag-question ng mga kongresista tungkol doon sa confidential funds?"
'Yan ang patutsada ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro kay Vice President Sara Duterte, matapos ang mga banat nito laban sa mga mambabatas na kumuwestyon sa ₱125-M confidential funds na nagastos sa loob lamang ng 11 araw.
Hinimok din ni Castro ang bise na itigil na ang mga tirada at harapin ang mga corruption allegations nito.