00:00Nagbabalat kayo, ganito inilirawan ni dating Chief Presidential Legal Counsel,
00:04Attorney Salvador Panelo, si re-electionist Senadora Aimee Marcos.
00:08Anya, ilang ulit na nitong ipinakita ang pagiging taksil sa prinsipyo
00:12at pagsakay sa kung kanino mang administrasyon na kanyang mapakikinabangan.
00:17Bakit maniniwala kami sa'yo?
00:18Nagpapakita ka, una, di ba, kinakontra mo yung kapatid mo.
00:22Pagkatapos, nagkantara pa ka na itasang kamay mo para magiging kandidato-senador ka sa alyansa.
00:32Pagkatapos, biglang nung makikita mong delikado na, delikado na ang administrasyong alyansa,
00:39lumipat ka na naman.
00:41Bandal sabi na mangkakasin dalawang ilong.
00:44Hinimay pa ni Panelo ang tila katahimikan ng Senadora sa mga panahong mas kinakailangan ang kanyang tinig,
00:49lalo na nang hindi makapasok si Vice President Sara Duterte sa Villamore Air Base
00:54para bisitahin ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:58Nung inaresto si Pangulong Duterte sa Villamore Air Base,
01:03yung kaibigan mong hinday, Sara, hindi pinapasok.
01:07Anak ito, anak na abugado pa.
01:09Si Bongo hindi rin pinapasok.
01:12Nasa ang kanon?
01:13Bakit wala kang ime?
01:15Bakit hindi ka nagsalita?
01:17Lalaban sa ginawa ng iyong kapatid.
01:19Lalaban sa gobyerno nito.
01:21Tumahimik ha?
01:23Nung makita mong bumabagsak ang rating mo,
01:25ayun, bigla ka na nung lunsad ng Senate investigation.
01:29Wala namang kailangan toplasing kasi alam na nating lahat.
01:33Hindi rin pinalampas ni Panelo ang tanong na matagal nang lumulutang.
01:37May katotohanan nga ba ang isyong kinakaharap ng kanyang kapatid
01:40na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
01:42patungkol sa umano'y paggamit ng iligal na droga.
01:45Lumaki kayong pareho, pagkasama kayo.
01:49Kaya ikaw lang ang nakakaalam kung talagang drug addicted yung kapatid mo.
01:54Ibig nilang marinig sa iyong bibig.
01:56Totoo ba o hindi?
01:58Pero nanahimik ka na yan.
01:59Hanggang ngayon ay tahimik ka.
02:01Paano ka paniniwalaan?
02:03Hindi lang kay Senadora Amy Marcos Umalma, si Atty. Panelo,
02:07maging ang dalawang batang kongresista,
02:09sina Rep. Zia Alonto Adyong ng 1st District ng Lanao del Sur
02:13at Rep. Francisco Paulo Ortega ng 1st District sa La Union,
02:18ay tinawag niyang mga politikong isinuko ang dangal kapalit ng kapangyarihan.
02:23Bawang sa'yo magpahayan sana.
02:24Pero mali, mga dispalingado lahat ang kanilang mga pahayag laban sa mga Duterte.
02:33At itong dalawang ito, natatandaan ko,
02:36nagsisisiksik ito, nagaaleluya kay Presidente Duterte
02:40noong panahon ng Administrasyong Duterte.
02:43Pagkatapos ngayon, dahil iba na ang Administrasyon, wala.
02:47Binenta na nila ang kanilang mga sarili.
02:50At kinokontra kahit na mali, sige pa rin sila.
02:54Matatanda ang sinabi ni Adyong na itigil na rao ni VP Sara
02:57ang ginagawa umanong shaming campaign,
03:00habang si Ortega naman ay binatikos ang pangalawang Pangulo
03:03dahil umano sa pananahimik nito sa kabila ng pang-aangkin ng teritoryo ng bansa.
03:07Sa dulo, iginiit ni Panelo na ang ganitong mga uri ng politiko
03:11na tila mabilis makalimot, mabilis magpalit ng kulay,
03:14ay hindi rao dapat pagkatiwalaan ng bayan.
03:17At para sa kanya, ang pananahimik sa oras ng krisis
03:20ay hindi tanda ng respeto, kundi pagtataksil.
03:24Para sa Diyos at sa Pilipinas kong mahal.
03:26Ito si Virgil Parba, SM9 News.
Comments