00:00Patok ngayon sa mga turista ang iba't ibang waterfalls sa Iligan City.
00:04Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Sharif Tim Har ng Radyo Pilipinas Iligan.
00:11City of Majestic Waterfalls.
00:14Ganyan ang touring sa Iligan City dahil sa mahigit 20 talon na matatagpuan dito.
00:19Isa nga sa ipinagmamalaki at dinarayo rito ang Tinago Falls na matatagpuan sa ilalim ng bangin.
00:25Pero bago marating at ma-fall sa napakagandang talon na ito,
00:29kailangan muna mag-trek pababa ng 355 steps.
00:33Masulit naman. Ganito ang ganda ng falls, hindi ka mapapagod.
00:37Sa 355 steps, tapos magkikita mo ganito, so nawala ang pagod po.
00:42Very worth it talaga. Thank you to my friends.
00:46Sila nag-invite sa akin na pupunta dito.
00:48Happy, very enjoy, and masaya.
00:52Kung sa ibang talon sa lungsod gaya ng Maria Cristina Falls,
00:55ay hindi pwedeng paliguan ng mga turista.
00:58Dito sa Tinago Falls, pwede kang mag-swimming at rafting.
01:01Isa nga sa gusto ng ma-experience na mga pumupunta rito,
01:05ay ang rumaragas ang tubig ng talon.
01:07Ganyan ang bangura.
01:0860 pesos lang ang entrance fee rito,
01:11kasama na ang Vesta.
01:12Sa murang halaga at nakakabighaning ganda ng Tinago Falls,
01:15tiyak na panalo ang inyong summer experience.
01:18Kaya kung mga pa-fall lang naman ang hanap mo,
01:21tara na sa Iligan City at mag-Tinago Falls.
01:23Mula sa PBS Radio Pilipinas, Iligan,
01:27ito si Sheriff Tim Harp para sa Balitang Pambansa.