00:00Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan ng Sorsogon sa maagap na pagpapatalan ng tulong ng pamahalaan
00:06matapos ang pagputok ng bulkang bulusan kanina ang madaling araw.
00:10Sa katunayan ayon sa DSWD, nakastanby na ang nasa higit 200 million pesos na halaga ng kanilang assistance,
00:18si Keith De La Cruz Pilote ng Radyo Pilipinas.
00:21Sa Balitang Pambansa, Keith?
00:23Princess, lubos na pasasalamat ng provincial government ng Sorsogon sa mabilis na aksyon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:32Ito'y para tulungan ang lalawigan kasunod ng pagputok ng bulkang bulusan.
00:38Sa panayam ng Radyo Pilipinas, sinabi ni Sorsogon Governor Edwin Hamor na agad nagpaabot ng tulong ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan
00:47gaya ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
00:51Sa katunayan, naglaan ng mahigit 220 milyong piso ang DSWDB call ng relief resources bilang paghahanda sa mga maapektuhan ng bulkang bulusan.
01:04Nagpadala na rin anya ang kagawaraan ng 20,000 food packs.
01:08Pagmamalaki pa ng Governor, 10 days ago pa silang nakahanda dahil maigting ang monitoring sa mga datos mula sa FIVOX.
01:16Inasahan na rin anya nila ang panibagong aktibidad ng bulusan dahil sa malakas na pagulan kahapon.
01:22Sa ngayon, kalmado na ang bulkan.
01:24Gayunman, hinikaya ng provincial government ang mga residente na magsuot pa rin ng face mask para matiyak ang kaligtasan ng lahat.
01:31Mulan sa Radyo Pilipinas, Kate Dela Cruz Pilote para sa Baritang Pambansa.
01:36Maraming salamat, Kate Dela Cruz Pilote.