00:00Samantala, hindi naman nakaka-apekto sa nagpapatuloy na balikatan exercises
00:04ang namataang presensya ng Shandong Aircraft Carrier ng China.
00:09Ngayon ay gagawin ang gunner exercises,
00:12kung saan kabilang sa makikilahog dito ay ang BRP Apolinario Mabini.
00:17Si J.F. Pineda sa Sentro ng Balita.
00:20April 22, nang namataan ng Philippine Navy ang dalawang barko ng China sa ilagang bahagi ng Luzon.
00:26Isa dyan ang Shandong Chinese Aircraft Carrier.
00:29Pero sa kabila ng presensya niyan, hindi umano matitinag ang Philippine Navy.
00:34Lalo pa at kasabay nito ang isinasagawang multilateral maritime event ng balikatan exercises
00:38sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.
00:41Nakatutok ngayon ang mga tropa ng Pilipinas sa balikatan exercises
00:45para mapalakas pa ang kooperasyon ng Pilipinas sa mga kaalyado nating bansa.
00:50Wala umano magiging epekto ang pangihimasok ng mga nanggugulo pang ibang bansa.
00:55Ang mga pagsasanay at simulation na gagawin umano ay makakatulong sa koneksyon na mga bansa
01:01pagdating sa usaping militar o pakikidigma.
01:04Kahapon ay lumapag na sa BRP Ramon Alcaraz ang Philippine Navy AW Alpha 109 helicopter
01:09na gagamitin rin sa mga cross-deck landing at search and rescue simulation.
01:13Ngayong araw naman, isasagawa ang gunner exercises o pagpapotok ng mga baril ng barko.
01:19Kasama sa pagsasanay na yan, ang US Navy at isa pang barko ng Philippine Navy na BRP Amolinario Mabini.
01:25Una, yung sa gunner exercises natin, this aim to enhance the capability of our personnel
01:36ng ating mga kasundalohin natin kung paano humawak at kung paano gamitin yung ating mga baril dito sa ating barko.
01:44Magkakaroon din ng pagsasanay sa replenishment o pagsasali ng fuel sa gitna ng paglalayag.
01:47Napaka-importante po dito dahil dito po pwede po tayong sinisimulate natin kung paano tayo makapagalagay ng fuel at sea
01:58at para may extend po natin yung endurance ng ating barko.
02:05Sa mga susunod na araw din ay magsasagawa ng mga photo exercises at division tactics o formation ng mga barko sa dagata.
02:13Dito ay makakasama ng Pilipinas at US ang Japan Self-Defense Force.
02:18Pasok rin sa MME ang search and rescue simulation at paglilikas sa mga casualty o mga sugatan sa gitna ng dagat.
02:25Pwede umanong magamit ito sa mga emergency situation.
02:29J.M. Pineda para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.