00:00Mga Labini Pope Francis ililipat na sa St. Peter's Basilica ngayong araw.
00:05Iba pang mga kaganapan sa Vatican para sa funeral event ng Santo Papa,
00:09alamin natin sa sentro ng balita ni Joyce Salamati.
00:14Sa unang pagkakataon, nasilayan na ng publiko ang Labini Pope Francis
00:20sa pamamagitan ng ibinahaging larawan ng Vatican.
00:23Makikita ang open coffee na kinalalagyan ng Santo Papa
00:26habang isinasagawa ang Rite of the Declaration of Death sa Casa Santa Marta.
00:32Nakatakdang ilipat mamayang alas tres ng hapon,
00:35oras sa Pilipinas ang mga Labini Pope Francis patungo sa St. Peter's Basilica.
00:41Pangungunahan ito ni Cardinal Camerlengo Kevin Farrell.
00:44Pangungunahan ni Cardinal Giovanni Battistare,
00:47din ng College of Cardinals, ang funeral mass.
00:50Kasama niyang magdiriwang ng misa ang mga Patriarch, Cardinal, Arzobispo o Bispo
00:56at kaparingan mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.
00:59Sa Sabado, April 26, itinakda ang magiging libing ng Papa
01:04na siya ring hudyat ng pagsisimula ng siyam na araw na pagluluksan ng simbahang Katolika.
01:11Mula sa St. Peter's Basilica,
01:12ay ililibing ang Santo Papa sa Basilica of St. Mary Major sa Roma.
01:17Samantala, nagsimula na rin ang unang general congregation ng College of Cardinals sa Vatican.
01:23Aabot sa 60 Cardinal ang nagtipon sa Synod Hall para sa nasabing aktividad.
01:30Joyce Salamatin para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.