00:00Sa ibang balita naman, ikinatuan ng isang accredited lawyer ng International Criminal Court
00:05ang pagbasura ng pre-trial chamber ng ICC sa hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:11na higpitan ang victim verification process.
00:14Ang detalye sa balita pambansa ni Angela Piñalosa ng Radyo Pilipinas.
00:21Ikinatuan ng isang ICC accredited lawyer ang pagbasura ng pre-trial chamber ng International Criminal Court o ICC
00:28sa hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na higpitan ang victim verification process.
00:34Sa panayam ng Radyo Pilipinas, sinabi ni Atty. Joel Butuyan na tila pagkilala ito ng ICC
00:40sa sitwasyon ng mga biktima ng war on drugs ni Duterte kung saan karamihan sa kanila ay galing sa mga mayihirap na komunidad.
00:49Tamang-tama po yun ginawa ng ICC na desisyon na hindi ilimita sa passport at national ID.
00:56Kasi kung tutuihin mo nung pinagpapatay itong ating mga kababayan,
01:00hihiningan ba sila ng ID ng mga polis at mga asasin?
01:04Tapos ngayong patay na sila ay manghihining sila ng mga ID?
01:07Bukod sa hindi alam ng abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman ang sitwasyon ng mga namatayan,
01:12posibleng gusto ng depensa na limitahan ang mga biktima na magpaparticipate sa paglilitis.
01:18Pero paliwanag diputuyan, seryoso at masinsinan ang magiging paglilitis kay Duterte
01:23dahil may sinusunod na proseso ang ICC.
01:26Naniniwala rin siya na malaki ang may tutulong na desisyon ng Court of Appeals
01:30na pagtibayin ang hatol sa polis na pumatay kina Carl Arnaiz at Reynaldo Culot de Guzman.
01:36Makakatulong ito dahil talagang magpapakita yung mga talagang pang-abuso sa panlabag
01:41sa karapatang pantao na ginawa ng mga polis noong panahon ng drug war.
01:46Hindi rin anya uubra ang katwiran na dapat bitawan na ng ICC ang kaso ni Duterte
01:51dahil tumatakbo naman ang mga korte sa Pilipinas.
01:54Paliwanag diputuyan, magkaiba ang paglilitis sa Pilipinas at sa ICC.
01:58Dahil kasi sa Pilipinas, prosekusyon sa mga polis ang ginagawa
02:02habang ang paglilitis naman sa ICC ay pagpapanagot sa mastermind
02:06sa madugong war on drugs sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
02:09Mula sa Radyo Pilipinas, Angela Peñalosa para sa Balitang Pambansa.
Comments