00:00Transcription by CastingWords
00:30Isang local candidate ng Quezon City ang iniimbestigahan ng Commission on Elections o COMELEC dahil sa posibleng pamimili ng boto.
00:39Kasunod yan ang pamimigay-umano sa mga botante ng cash card na may lamang 2,000 pesos.
00:45USSC cards yun na may parang SIM card na nandun.
00:51Yun pala ay doon sa mga accredited na stores pero pwede nyo nang gamitin na ipambili o ipang-discount.
00:58Yan po ay vote buying. Although hindi pa natin sinasabi kung sino ang involved.
01:03Ang tanong doon kung sakali bang yan ay inisyal, meron pa bang ilalagay pa doon?
01:07Sabi ni COMELEC Chairman George Irwin Garcia, hindi pa raw pala sapat na nakipagtulungan sila sa mga kumpanya ng e-wallets
01:14dahil may ibang pamamaraan pa ang digital vote buying.
01:18Mapapanagot natin kung mapapatunayan, hindi lamang po yung mismong kandidato,
01:23kung hindi yung mismong platform na ginamit para makapag-issue ng ganitong klaseng card.
01:29Sabi ng COMELEC, nasa 120 na ang iniimbestigahan nilang reklamo ng vote buying at abuse of state resources.
01:37Bukod dyan, iniimbestigahan din ang sumbong na isang party list at tatlong local candidates
01:42ang nangampanya nitong Webes at Biernes Santo na ipinagbabawal ng batas.
01:47Meron po dyan, nagkampanya, gamit pa rin ang kanila pong social media accounts.
01:53So ibig sabihin, pangangampanya pa rin po yan.
01:56Hindi pa rin sila tumigil sa pagkakampanya.
01:59Dahil po dyan, kasama po yan sa iimbestigahan at i-issuehan din ang show case order.
02:06Inilunsad naman ang COMELEC ang komite na mga ngasiwa sa random manual audit
02:10ng piling presinto matapos ang eleksyon sa Mayo.
02:13Dito mano-manong bibilangin ang risulta at ikukumpara sa risulta mula sa makina.
02:19762 na presinto sa bansa at isa sa abroad ang iyong audit sa loob ng 45 days.
02:26Kahit ano pa man yung mga nanggagaling na issues sa labas, ano pa man yung mga pagdududa,
02:31laging napuprove sa random manual audit na wala pong mali,
02:37wala pong hindi accurate na count ng ating mga balota.
02:43Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, nakatutok 24 oras.
Comments