Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Dismayado si Transportation Secretary Vince Dizon sa dami ng mga tsyuper na nagpositibo sa random drug test nitong Semana Santa.
00:09Kanina, nag-inspeksyon naman sa MRT ang kalihim at ilang pang-official at ibinida ang ilang pagbabago tuwing rush hour.
00:17May ulat on the spot si Ian Cruz.
00:20Ian?
00:20Yes, Connie, sa kasagsagan nga nung peak hour ay nag-ikot ngayong lunes dito sa MRT ang mga kalihim ng DOTR at ang DICT.
00:34Isa nga sa mga unang napansin ni Secretary Vince Dizon ay yung tuloy-tuloy na pagpasok ng mga pasahero sa North Avenue Station.
00:42Kahit nga alas 7 yan ng umaga, Connie, kung kailan peak ng rush hour.
00:47Ano yan? Yung may mga dalang bag at yung walang dalang malaking bag, bukod na raw kasi yung kanilang pila.
00:54Simula ngayong araw, may tatlong four-car train na nakadeploy ang MRT tuwing peak hours.
00:59Sa umaga yan at sa hapon, ayon kay MRT-JMI kapati, kung dati nasa 1,100 ng capacity, ngayon kayang magsakay ng hanggang 1,500 na pasehero ang four-car train.
01:08Ani Dizon ito ang bilin ng Pangulo na gawing mas komportable pa ang pagbubiyahin ng publiko.
01:13Marami pang plano ang DOTR kasama ang DICT sa MRT na kapag nagtagumpay, ipapatupad din daw sa LRT.
01:20Isa na nga rito ang pagpapalakas ng Wi-Fi hindi lang sa estasyon, kundi lalagyan din ang loob mismo ng tren.
01:26Maglalagay din ang kamera sa mga estasyon na may AI technology para hindi na kailangan pang gumamit ng scanner na nagpapatagal ng proseso ng pagpasok.
01:34Sabi ni DICT Secretary Henry Aguda, ang AI technology raw ay may facial recognition at may kakayanan na ma-assess ang laman ng bag kaya mabilis man ang pagpasok, hindi nasasakripisyo ang kaligtasan.
01:47Patuloy pa rin naman daw nakadeploy ang mga canine dog.
01:51Sa Mayo hanggang Hunyo naman, Connie, may teknolohiya na susubukan ng DOTR para sa EDSA bus carousel.
01:56Ang e-wallet, pati na ang credit card at iba pang anyo ng e-payment, magagamit na sa layon rin na higit pang mas mapaginhawa ang biyahe dahil hindi na kailangan pumila para sa tiket.
02:05Samantalo, Connie, nalulungkot naman si Transportation Secretary Vince Lison na mahigit 350 ang naging aksidente ngayong Semana Santa dahil nga sa iba't ibang dahilan.
02:14Pero ang mas nakakalungkot at hindi raw katanggap-tanggap ang mahigit 80 tsyoper ng pampublikong sasakyan na nagpositibo sa drug test.
02:22Ngayong lunes, pinapatawag na raw ng LTO ang lahat ng nasabing mga tsyoper.
02:26Pasensyahan na lang daw pero may mabigit na penalty raw itong kakibat dahil hindi ikokompromiso ang kaligtasan ng publiko.
02:33Ang pinakamahina raw na parusa nito, suspensyon ng lisensya.
02:38At Connie, ayon nga kay Secretary Dison, magsasagwa pa ng mga random drug testing sa mga driver ng pampublikong masasakyan para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Be the first to comment