00:00Kahit Viernes Santo, patuloy po ang pagkahanap ng Philippine Coast Guard sa mga nawawalang crew ng tumaob na barko sa Rizal, Occidental, Mindoro.
00:08Iyan ang tinutukon live ni Bam Alegre. Bam!
00:15Emil, dalawang bangkay pa ang nakuha ng search and rescue operations kaninang hapon sa tumaob na Honghai 16. Sa ngayon, lima pa ang hinahanap.
00:23Ikaapat na araw ng search and rescue operations sa tumaob na barko sa Rizal, Occidental, Mindoro.
00:33Pasado alas-dos ng hapon, nakakuha ang mga diver ng isang katawan.
00:36Ang ganitong dinala sa tabing dagat para isa-ilalim sa verification.
00:39Matapos ang isang oras, nakakuha uli ng isa pang labi.
00:42This afternoon, sir, at around 1400, the first lifeless body was found at the accommodation area below the bridge, sir.
00:53And continuously, sir, around 1528 or alas-tres na ng hapon, second lifeless body was found at the cargo hold area, sir.
01:04Matapos makuha ang dalawang bangkay, narito ang mga divers ng Philippine Coast Guard,
01:08nagpapahinga at tinututukan na nakastandby ng medical team habang tumatagal kasi sila sa ilalim ng dagat
01:13at sinusuong itong ilalim ng barko, lalong nadadagdagan ang peligro sa kanilang buhay.
01:18Matapos din ang panawagan ng PCG at lokal na pamahalaan para sa pananagutan na may-ari ng barko,
01:23bumisita raw kaninang umaga ang mga kinatawan ng KINP Corporation.
01:27Handa raw silang tumugon sa kanilang responsibilidad sa mga namatayan, nakaligtas, at pati na rin sa pagsalvage sa barko.
01:33The representative from the company, sir, nakipag-coordinate natin sa atin dito kasama yung mga local government units natin dito sa command post.
01:45Willing sila, sir, maki-willing silang mag-provide any assistance para sa ating operations ngayon.
01:55Pagkatapos naman ang pistang opisyal, formal nang payihintuin ng lokal na pamahalaan ang dredging sa lugar.
01:59Sa aming part ay magbibigay muna kami ng cease and desist order nitong Monday, holiday lang ngayon, pero tinawagan na rin namin.
02:10Kailangan i-settle muna nila yung problema nila nyo.
02:12Temporary, suspension lang muna nung kanilang operation doon ng dredging.
02:18Hindi raw maapektuhan ang ibang mga dredging sites sa Occidental Mindoro, lalo at mahigpit ang proseso bago payagan ang ibang mga kumpanya para mag-dredging.
02:25Dati, pamahalaan ang gumagasto sa dredging ng mga ilog para makaiwas sa baha.
02:29Ngayon, pinayihintulutan ng ilang korporasyon na mag-dredging at hindi na babayaran ng gobyerno.
02:34Gayunman, may panuntunan pa rin kung saan lang pwedeng gamitin ang mga hinahakot na buhangin.
02:37Emile, binabantayan din ang pamahalaan yung kalidad ng tubig sa palibot ng barko at hindi pa raw ito naa-apekto sa oil ng vessel.
02:50Meron ding preventive maintenance sa mga oil spill boom na nilagay nila rito sa palibot ng barko.
02:56Yan ang latest mula rito sa Occidental Mindoro para sa GMA Integrated News.
03:00Bam Alegre, nakatutok 24 oras. Balik sa iyo, Emile.
03:03Maraming salamat, Bam Alegre.
03:07Maraming salamat, Bam Alegre.
Comments